♤Chapter 1♤

395 53 2
                                    


The Trio◇

Dominica POV

TANGhaling tapat ngayon at kasama ko ang dalawa kung kaibigan na si Ana at Ella. Wala kasing pasok dahil weekends kaya gumawa kami I mean sila ng ube ice cream para may dessert kami mamayang gabi.

Si Ella yung gumagawa ng ice cream dahil siya ang the best sa kusina sa aming tatlo, si Ana naman yung kumukuha ng kailangan ni Ella. Ako? Ito sitting pretty, eh wala naman akong gagawin, ano namang gagawin ko sa kusina diba? Tutunganga? Kaya hinayaan ko na yung dalawa doon tutal masipag naman sila.

Siya nga pala ako si Dominica dela Fuente pero Nica nalang dahil masyadong mahaba ang pangalan ko, I'm 18 years old. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda, matalino at sexy ako.

Anak ako ng isang sikat na bussinessman dito sa Pilipinas, ang mga magulang ko ay may-ari ng Dela Fuente Group of Companies na matatagpuan sa ilang sikat na bansa in short mayaman kami, pero hindi ko pinagmamayabang ang pagiging mayaman ko. Hello pasikat lang, no way.

"Ana kunin mo na din yung cookies diyan!" Napatingin ako kay Ella habang naglalakad palapit sa akin dala ang orange juice at tatlong baso na nasa tray.

Ang sipag talaga ng dalawa kong kaibigan.

"Wow Nica ang dami mong nagawa 'no? Kakain kana lang." Inirapan ko nalang siya at kumuha ng isang basong juice.

Si Ella ang buo niyang pangalan ay Mariella Revina Agustin 18 years old ka age ko lang din. Ang mga magulang niya ay may ari ng ilang mga restaurant dito sa Pilipinas at meron din sa ibang bansa, halata naman kung saan niya nahilig ang pagluluto. Maganda, matalino, sexy at palaban din 'yan kagaya ko, pinagkaiba lang namin ay, madali siyang umiyak. Haha.

Dumating si Ana na dala ang isang lalagyan ng cookies at umupo malapit saamin.

~~Isang lalaki natagpuang patay sa isang bakanteng lote malapit sa isang park sa Manila, napag-alaman din na si Wellner Francisco ng Clairestian Academy ang natagpuan patay.~~

Napatingin ako doon sa t.v habang kumukuha ng cookies na dala ni Ana.

~~Ang sabi nang ilang mga namamasyal dito, nakita daw nila ang lalaking yun na palakad-lakad sa Pole Park tapos may limang lalaki daw siya na sinamahan, walang nakakapagsabi kung sino ang mga ito.~~

Napa-tss nalang ako sa napanood ko.

Sa Pole Park pa ha, di ba alam ng lalaking 'yon kung ano ang lugar na yun o tanga-tanga lang talaga siya?

Nilipat ko ang channel, dahil walang kwenta naman yung binabalita. "Nica ibalik mo doon, bastusan naman eh!" Sigaw sa akin ni Ana, pero hindi 'ko siya sinunod bagkus nilipat ko ang channel.

Eh putris nung ilipat ko yung channel ayun din ang balita, nang ililipat ko ulit ang channel ay kinuha ni Ella ang remote. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nanood nalang.

~~Si Wellner Francisco ng Clairestian Academy ay natagpuang patay sa isang bakanteng lote na malapit sa Pole Park. Napag-alaman din na may nakaaway siya bago matagpuang patay.~~

Sa malamang sa malamang gangster fight ang pinag-awayan ng mga yan, halata naman eh. Pole Park tss.

At talagang binabanggit pa nila ang salitang Clairestian Academy, nagpapataas lang ng rating 'yang mga 'yan. Alam kasi ng mga reporter na kapag tungkol sa Clairestian Academy ang balita malamang pa sa alamang, maraming manonood sa kanila.

Sikat kasi ang Clairestian Academy dito sa Pilipinas. Ang mga nakakapasok lang doon ay mga anak ng mga sikat na personalidad o 'di kaya anak ng may mga malalaking bussiness.

The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon