Kristiana POV
NASA sala ako ngayon kasama si papa habang kumakain. Tahimik lang kaming kumakain dahil yun ang nakasanayan ni wala ngang nagsasalita eh. Ganyan talaga kami ni papa pagkumakain.
Tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig. May mga maids na nakatayo malapit sa amin, siguro mga nasa lima sila.
"Ria pakikuha naman yung juice." Utos ni papa kaya kinuha naman nung maid namin. Pero bago pa mahawakan ni Riza ay kinuha ko at humarap sa kanilang lima at sinabing.
"Pwede bang umalis muna kayo...kahit sandali lang?" Alam kong may pagkasarkastiko ang pagsasabi, kaya umalis naman agad sila. Napansin kong napatingin sa akin si papa kaya ngayon ko na siya kakausapin.
"P-papa..." Pag-uumpisa ko.
"What?"
"Can I talk to you?"
"Were talking."
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
"Pa...so-sorry pala kanina..sana diko nalang pinilit na malaman yun, nasigawan mo pa tuloy ako." Walang buhay kong sabi.
Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Kaya napatungo nalang ulit ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Tanga ko kasi dapat diko na tinanong yun, napagalitan pa tuloy ako. Tanga ko shit. Alam kong naguguluhan kayo sa mga pinagsasasabi ko, baka sabihin niyo baliw ako. Kaya ikikwento ko na.
~~flashback~~
Habang nasa University ako ay biglang nagtext si papa, sabi niya sa text ay sabay na kami umuwi dahil may ibibigay siya sa akin. Nasa last subject kami nung mga time na nagtext si papa kaya I'm sure na napansin nila Nica ang pagiging tahimik 'ko.
Nagulat kasi ako dahil minsan lang naman magbigay si papa nang regalo, kapag kasi nagbibigay siya hindi siya mismo ang nag-aabot sa akin, ang nag-aabot sa akin ay yung mga empleyado niya, ewan ko ba sa papa ko, mongoloid ata hehehe joke.
Ok...no joke na magkikwento na ako. Yun nga diba nagtext si papa na sabay kami.
Mga ilang minuto na akong nakatayo doon nang dumating si papa kasama yung lalaking sekretary niya. Ayaw niya daw sa babaeng sekretarya kaya lalaki nalang, daming arte no?
"Irish sumakay kana muna sa kotse at may ibibigay ako sayo pagbalik ko...sasagutin ko lang 'tong tawag." Sabi ni papa kaya sumunod naman ako sa sinabi niya.
Irish ang tawag nang karamihan sa akin pati si papa, si Nica at Ella lang ang tumatawag sa akin na Kristiana o Ana.
Ilang minuto din akong nasa loob, akala ko nga 'di na papasok si papa eh. Tumingin ako sa kanila, nakita kong may kinakausap si papa sa telepono pero hindi ko rinig...Kung titignan niyo si papa para siyang galit habang kinakausap yung nasa kabilang linya. Ano naman kayang pinag-uusapan nila? Nacucurious tuloy ako.
Dapat bababa ako ng kotse ng pindutin ni manong ang button kung saan lahat ng door ay mailolock. Luh! 'nong problema ni manong?
"Manong ba't niyo sinara?" Parang galit na tono ko, pero hindi ako galit.
"Sorry Mam Irish napag-utusan lang." Sabay turo niya doon sa sekretary ni papa. Hindi ko alam mararamdaman ko. Inis ba o ewan. Haha ewan ko eh, bakit ba!
Nababagot na 'ko dito sa loob ng kotse kaya kinuha ko yung cellphone ko at sinaksak sa tenga ang earphone at nagpatugtog.
Patugtog lang ako ng patugtog nang bumukas na ulit ang pinto ng kotse at pumasok si papa kasabay yung sekrerary niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
AksiTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...