♡Chapter 8♡At the Mall

127 33 0
                                    

Dominica POV

"Welcome back? Nagpunta ka ba dito anak?" Takang tanong ni dad. Kaya mas lalo kong tinignan ng masama yung sekretarya niya.

Tinignan ko siya at nangunot noo, bwisit wala akong mahanap na idadahilan. Sarap murahin nung sekretarya niya, t*ngina lang.

Tinignan ko yung babae na ngayon na nakatungo, bwisit!

"Da-" pinutol ako nung sekretarya.

"What I mean sir, welcome back kasi diba ngayon lang po ulit siya nagpunta dito since nung nangyari." Masiglang paliwanag niya.

Huwag mo ko umpisahan, sekretarya kalang baka ifired kita ng wala sa oras! Sabi ko sa isip ko.

"Ok." Hindi na nagtanong si daddy at sumakay nalang sa elevetor dahil may tumawag sa kanya.

Nagpaiwan naman ako at hinila yung sekretarya sa cr.

"What did I tell you lately?" Tanong ko sa sekretarya.

"Wag po sabihin kay Mr. dela Fuente na nagpunta kayo dito kahapon." Paliwanag niya na nakatungo.

"Eh ano yung kanina?... Palabas?"

Lalo siyang tumungo.

"Sorry po...sorry po. Nakalimutan ko." Lumuhod siya habang nagmamakaawa na parang umiiyak.

"Mam sorry po wag mo po ako tanggalin may nanay po akong nasa ospital mam Nica ...sorry..." Iyak niya, tss!

"Tumayo ka diyan... Hindi kita tatangalin...may konting kabaitang pa naman akong natitira...oh hala takbo na baka magbago pa isip ko!" Agad naman siyang kumaripas ng takbo palabas ng c.r. Saka ako nakahinga ng maluwag. Naghugas ako ng mukha at tumingin sa salamin at inalala ang ginawa ko kahapon ng hapon, napailing nalang ako sa mga naalala.

Lumabas na ako ng c.r at sumakay sa elevator.

May mangilan-ngilang bumabati sa akin sa loob ng elevator habang paakyat ako, tungo lang ang ginawa ko. Ayoko sa lahat ay yung nakikipagplastikan.

Paglabas ko sa elevator saka ko lang narinig ang mga sabi nila.

'Ang sama talaga ng ugali nun.'

'Sinabi mo pa, tignan mo binati natin tapos tungo lang ang ginanti, tss walang modo.'

Alangan naman na makipagchikahan ako sa kanila, swerte nila!

'Kung kapatid ako niyan siguro lagi kong masasabunutan yan, sama ng ugali eh.'

Umistop ulit ako sa harap ng elevator na pasara at hinarang ang aking kamay kaya bumukas ulit kaya pumasok ako.

"Sa susunod siguraduhin niyong hindi ko maririnig ang bulungan niyo dahil kapag naulit-uli 'to alam niyo na kung saan kayo pupulutin...huh?..." Putol ko at tumingin doon sa babae mula ulo hanggang paa. "Saka sa tingin mo magiging magkapatid tayo? Huh? Eh 'di hamak na masmaganda ako sayo...kaya wag mag-assume ok?" Walang buhay kong sabi kaya napatungo sila. Mga plastik.

Pumasok ako sa opisina ni daddy at tinignan ang ginagawa niya.

"Dad mahirap ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko at umupo.

"Mahirap kapag walang alam sa mga ganito pero kapag marami ng alam mapapabilis ang gawain mo...bakit anak may plano ka na bang hawakan ang isa sa mga bussiness natin?" Tanong niya, kaya nagkibit balikat ako, siya naman pinagpatuloy ang ginagawa sa lamesa.

Tumayo ako at pumunta sa isang bintana na malapit doon.

Hindi naman sa ayaw kong hawakan ang mga pinapatakbong bussiness ni dad, wala lang talaga akong trip sa mga ganyan.

The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon