Chapter 12:F'T Ture

82 21 0
                                    

A/n: nasa multimedia ang F'T Ture. Sa chapter na 'to niyo sila makikilala. Ok read read na.

Dominica PoV

Pag-gising ko kaninang umaga, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Sana 'wag naman akong magkasakit dahil marami pa akong aayusin.

"Miss dela Fuente."

Masakit talaga ang ulo ko, alam niyo yung feeling na parang tinutusok tusok yung utak mo. Parang ganon ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba, sa pagkakaalam ko wala naman akong kinain na kung ano. Yung prutas lang kagabi na hiningi ko kay Ana.

"Miss dela Fuente."

Tapos dagdagan mo pa yung tinanong sa akin ni Ana kagabi. Ewan ko ba parang napipi ako at yun lang ang nasabi ko sa kanya. Saka nakakapagtaka din bakit itatanong sa akin yun ni Ana, hindi kaya nahahalata niya ako? No hindi pwede...kailan kong kumilos ng maayos para sa aming tatlo.

"Miss dela Fuente!" Napabalikwas naman ako ng sumigaw ang math teacher namin kaya agad agad akong tumayo.

"Do you know how many times did I call your name?...are you with us miss dela Fuente?" Maotoridad nitong tanong. Pumawewang din ako a kanya at sinabing. "Do you think I care?"

Nakita ko naman magsasalita siya ngunit tinikom niya ito at pinagsagot naman ako ng isang problem sa blackboard nahindi niya pa natuturo.

"Di mo pa 'to natuturo ah." Sabi ko.

"Masyado kang madada sagutan mo nalang yan kung ayaw mong palabasin kita ng maaga sa classroom ko." Classroom niya daw oh. Yabang. Sinagutan ko nalang yung problem at natapos ako ng mabilis. Anong akala niya hindi ko masasagutan yun, advance reader ata ako kaya kahit hindi niya pa natuturo ay alam ko na.

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Si mam naman ay parang manghang-mangha. Napahiya siguro. Umupo nalang ako doon sa tabi ni Ella at nakinig. Diko alam kung bakit pa ako nakikinig, eh lahat ata ng tinuturo ni mam eh alam ko na, hindi sa pagihing mayabang pero yun talaga ang totoo. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

Tumayo nalang ako at lumabas, rinig ko naman ang sigaw ni mam pero binaliwala ko nalang. Naiihi na kasi ako baka siya ihian ko eh. Pagpasok ko sa cr, may tatlong babae doon na naglilipstick, hindi ko na sila pinansin at nagpunta sa pinakadulong cr.

'Bhe rinig mo ba ang balita?'

'Ano nanaman bang nakalap mo?'

'Bali balita dito sa Academy na kasabay daw kahapon ng myembro ng F'T Ture yung tatlong babae na transferee.'

'Talaga?!...ang harot talaga nung tatlong yun, biro mo sa tagal natin dito eh 'di tayo napapansin tapos yung tatlong na kabago bago sila pa ang napansin. Tss.'

Rinig kong pag-uusap nung tatlong babae. Kami ba ang pinag-uusapan nila? Saka ano yung F'T Ture chu chu? Related ba 'yan sa Adventure.

Lumabas ako ng cr at tinignan yung tatlong babae. Nakataas ang kilay nito ng makita ako.

"Wow bhe tignan mo nga naman ang tadhana, ang babaeng maharot ay nasa harap natin." Sabi nung babaeng mukhang clown, ang kapal kasi ng make-up kasing kapal ng mukha.

"Tss if I know baka ginayuma nilang tatlo ang F'T Ture." Sabi niya sabay halakhak. T*ngina pigilan niyo ko masasakal ko 'to ng babaeng 'to.

Ayoko ng gulo kaya dinaanan ko nalang sila na animoy wala akong nakita. Nung nasa pinto na ako ay may biglang humila ng buhok ko kaya napabalik ako sa c.r. taragis ang sakit nun ah.

"Kinakausap ka namin, bakit mo kami-" hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin niya nang hilahin ko siya sa kamay at inikot padikit sa pader, bago sakalin sa leeg.

The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon