A/n: Hi there, I have a new story. The title is When You Tell Me That You Love Me. You can kindly check it out if you want.
Marielle PoV
"Drey alam mo ba kung saan dinala ni Kristoff si Nica nung isang araw?" Tanong ko kay Drey.
Nasa terrace kami nung bahay nila dito sa academy, vacant kasi namin ngayon kaya nandito ako buti nga hindi ako hinahanap nung dalawa eh.
"Dito sa bahay, bakit?"
"Wala naman, para kasing may nag-iba matapos dinala ni Kristoff dito si Nica," Pagpapaliwanag ko. "Saka nung nakita ko si Nica nung umuwi siya, tulala siya na akala mo wala sa sarili. Tapos sabi niya sa rooftop daw siya galing, kahit hindi naman." Dagdag ko pa.
Nakita ko namang napakunot noo si Drey.
Ano kayang iniisip nito?
"Wala namang nasabi sa amin si Kristoff tungkol sa bagay na yan." Yun lang ang nasabi niya bago tumayo at pinagpag ang pwetan.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa next subject... Masyado ka atang nasarapang kasama ako kaya ayaw mo na akong hiwalayan." Mapangloko niyang sabi.
Ewen ke seye Drey, penepekeleg me nemen eke eh.
"Wow super proud to itself ah? Saan ka nagmana?" Tanong ko habang tinatayo niya ako.
"Saan paba eh 'di sa maganda kong girlfriend." Sabay kindat niya sa akin.
"Pfft mukha mo, nagpapalakas ka lang eh. Palibhasa nanliligaw parin." Sabi ko.
"Weeews, naku kung 'di lang kita mahal."
"Ewan ko sayo, sige mauna na ako baka kasi kung anong isipin nila kapag magkasabay tayo." Tumango lang naman siya kaya naglakad na ako palayo, kaya lang bago pa ako makalayo ay hinila niya ako at ninakawan ng halik sa pisnge.
"Bye ano na mauunang lumabas!" Sigaw niya habang nagtatatakbo.
Enebe nemen Drey pede me nemen ekeng sabehen eh, nengnenekew ke pe neng halek!
Ay bwisit napapa-malandi voice ako ah! My god nakakahawa talaga si Ana!
Nang makita kong wala na si Drey saka ako naglakad palabas ng bahay nila.
Habang naglalakad naiisip ko parin kung bakit ganon nalang ang itsura ni Nica nung gabing yun. Baka may nangyari nanaman na hindi niya sinasabi sa amin o 'di kaya may nalaman siya na ayaw niyang sabihin sa amin kahit na halatang-halata na.
"Miss Mariella may nagpapabigay po." May lumapit sa akin na babae at inabot sa akin ang isang box na magaan. Aanhin ko 'to?
Nang makuha ko yung box ay agad namang umalis yung babae ngunit bago pa ito makalayo ay hinila ko ang likudan na bahagi ng kanyang uniform.
"Miss? Sinong nagpapabigay nito? Ang sama naman yata kung hindi ako makakapagthank you, diba?" Bakas sa kanya ang pagkagulat o pagkatakot? Ewan ko parang ganon kasi eh. Pero bakit?
"A-ano p-po kasi--"
"Bhes halika na baka malate tayo!" Napatingin kaming dalawa doon sa babaeng sumigaw. Lumapit ito sa amin at hinila yung babae.
Naiwan nalang akong nakatayo doon.
Ano namang gagawin ko dito? Tanong ko sa sarili.
Tinago ko nalang sa bag, bagkus nagpunta na sa next subject.
"Oy bruhilda saan ka galing?" Kunot noo ko siyang tinignan.
"Maka oy? Diyan lang sa tabi-tabi may pinuntahan lang." Sagot ko, nakumbinsi naman siguro siya dahil hindi na muling nagtanong.
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
ActionTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...