A/n: Mariella Revina Agustin and Drey Christian Flores on multimedia♥♥.
Dominica PoV
Hingal na hingal akong pumasok sa dorm, at nakita yung dalawa kaya kaagad ko silang pinatulog baka kasi magtanong sila kung saan ako galing o anong ginawa ko, kaya pinatulog ko na sila.
Mabilis akong nagpunta sa kama at kinuha ang laptop bago magpasyang lumabas ng dorm at umakyat sa rooftop.
"Anong kailangan mo sa akin?!"
"Sino ka!"
"Pakawalan mo ako dito!"
Mula sa malayo rinig ko ang sigaw ng babae na dinala ko dito sa taas. Nakakatawa lang dahil ang dami talagang tanga tanga sa mundong 'to.
Biro niyo ang bilis kong nauto ang babaeng 'to? Dahil lang sa isang papel Hahaha.(insert evil laugh)
~~flashback~~
Mariin kong tinitignan ang babaeng lumason sa akin, mula dito sa laptop ay kita ko kung paano siya umiwas sa mga tao. Napabuga nalang ako sa kawalan ng makita ko siya ng papunta sa Science Building.
Ano naman ang gagawin niya doon? Mageexperiment ng poisons? Hahaha, nakakatawa!
Mga ilang minuto kong pinagmasdan ang kwarto ng pinasukan niya at makalipas ang ilang sandali lumabas siya at may kasama siyang...tao na nakahood at tanging mata lang ang nakikita.
Sino naman yun? Yung kasama niya sa panglalason sa akin? Nakita kong nag-usap muna sila bago maghiwalay ng direksyon na dadaanan.
Hmmm...I have a good idea.
NAGLALAKAD kaming tatlo papuntang dorm dahil uwian na pero pinauna ko na sila dahil may gagawin pa ako, agad naman nilang sinunod yun at hindi na nagtanong pa.
Nagpunta muna ako sa malapit na bilihan at bumili ng papel, yes papel bago pumunta sa locker ng girls.
Kinuha ko ang isang pabango mula sa locker ko ngunit bago ko yun pindutin ay naglagay muna ako ng goggles at mask dahil ang pabangong ito ay kakaiba, lets say na kapag oras na inispray mo ito sa isang bagay at kapag naamoy at tinignan ito ng kung sino man ay mahihimatay. Gets?
Inispay ko ito sa papel at ibinalik sa locker. Binuksan ko ang laptop at tinignan ang mga cctv, nakita ko yung babae na nanglason sa akin na nasa isang room.
Mabilis kong nilakad ang daan papunta doon at nang makarating ako nagtago muna ako sa pinto. Nakita ko siyang nakatungo kaya hinulog ko ang papel na may sulat sa bintana at kinatok ang pinto bago naglakad ng mabilis.
Binuksan ko ulit ang laptop ko at tinignan siya. Hinack ko muna ang mga cctv na malapit doon dahil baka may makakita ng ginagawa ko.
Nakatayo na siya sa pinto at nagpalinga linga bago tignan ang papel.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko ang pagbagkas niya sa sahig kaya agad akong magpunta doon, buti nalang wala masyadong tao dito kaya maayos kong nagawa ang plano ko.
Agad ko siyang binuha at sinunog yung papel na ginamit ko.
Habang bitbit ko siya ay nagpapalinga linga ako dahil baka may makakita sa akin. Dinala ko siya sa rooftop dahil madilim naman doon at walang makakarinig sa kaniya.
~~end of flashback~~
"Pakawalan mo 'ko dito!" Sigaw niya kaya nabalik ako sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
AcciónTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...