Prologue

161 4 0
                                    


Gusto kong maging Ballerina.
Gusto kong sumikat sa buong mundo.
Gusto kong mag- compete sa iba't-ibang tao galing sa iba't-ibang bansa.
Gusto kong manalo.
Gusto kong matalo para malaman ko ang pakiramdam ng isang talunan. Para sa susunod, mas gagalingan ko pa.
Gusto kong maging proud ang mga tao sakin dahil sa talent ko.

Kapag successful na ako, titigil muna ako. Kapag may ipon na ako, magi- invest ako sa stock market para lumalago ang pera ko. Magpapagawa ako ng bahay para sa future ko. Magtatayo ako ng business para hindi ako mamulubi pag senior citizen na ako.
Kapag sapat na ang pera ko, magpapatayo ako ng school na nagtuturo ng ballet.  Tuturuan ko silang maigi para sisikat din sila at makikilala naman ang school ko.
Kapag settle na ang lahat, tsaka lang ako mag- aasawa. Gusto ko tatlo lang ang anak ko para hindi ako magmukhang manang. Gusto ko mag-aaral sila sa Ateneo School o di kaya ay sa La Salle School na mga sikat na paaralan. Gusto kong maging successful sila sa iba't-ibang larangan na napili nila. At gusto ko maging masaya sila.

Maging Masaya. Yun ang pinaka-mahalaga. Gusto kong wala silang pagsisisihan balang araw. Gusto ko kuntento sila sa buhay nila kaya pipilitin kong matupad lahat ng pangarap ko,para sa kanila. Gusto ko na wala silang panghihinayangan. Hindi nila babanggitin ang salitang SANA..

Sana ako nalang ulit.
Sana tayo pa din.
Sana hindi ako naging tanga para kasama pa kita.
Sana kagaya nalang ulit ng dati.
Sana pala nakinig na ako sayo nung una palang.
Sana ikaw pala ang pinili ko dahil alam kong magiging masaya  ako kapag ikaw ang kasama ko.
Sana hindi nalang ako nagbago. Sana wala nalang nagbago..
....”

Dahil ayaw kong maranasan nila ang pakiramdam na naramdaman ko. Alam kong mahirap, pero wala na akong magagawa.
Gaya ng sinabi ko noon,
“Sana mahalin mo pa din ako..”,
hindi ko na kayang ibalik pa ang nangyari na.

Dahil sa bawat salitang Sana, katumbas ‘non ang salitang Hindi na.

Sana..Where stories live. Discover now