We live in bodies that are fearfully and wonderfully made, yet they are not immune to illness and pain. We have hearts that are capable of experiencing great love, but sometimes they get broken.
~°~
Hindi ako pumasok sa school ngayon dahil sinipon ako. Sobrang lamig kagabi nang lumabas kami ni Kuya Dwain at hindi ko naman akalain na mabilis na pala ako kapitan ng mga ganitong sakit.Pero even si Kuya ay hindi din maayos ang pakiramdam. But he insist to go to school dahil marami na nga syang na- miss na lessons.
Pero okay na din ata na wala muna ang presence ni Kuya dito sa bahay. Baka hindi ako mapakali kapag nakasalubong ko sya kunwari sa labas at alam kong alam nya naman ang feelings ko kay Francis. Sobrang nakakahiya yon. Syempre kasi, kaibigan nya si Francis tapos kapatid nya ako. Ah basta! Hindi ko lang feel na malaman ni Kuya Dwain.. Tss.
Sobra akong giniginaw kahit patay na ang aircon sa kwarto ko. Hindi ko nga ma- check ang phone ko dahil hindi din ako makakilos. Aba, mukhang trangkaso na ‘to ah.
Buti nalang at pumasok si Mommy para i-check ako. She gave me my meds before leaving. Agad akong nakatulog after dahil madilim na nang magising ako. I feel a little better. I try hard to make myself stand but I fail. I feel like vomiting every time I move. Umupo nalang ako sa kama at inabot ang phone ko.
Nagulat ako ng halos 200 unread messages ang nasa inbox ko, 100 naman sa messenger at 300 missed calls sa phone log . I check my inbox first at nakita na halos unknown number ang mga ‘yon. Ganon din sa call log.
+639516..
Please say you didn't leave..
Yan yung pinaka huli na message galing sa unknown number. Eh sino naman ‘to? Grabe naman kung wrong send at dial sya. Sayang ang load nya.I don't have to check it pa kung sino. Wala naman kasing nakaka alam ng number ko bukod sa ilang kaibigan at sa pamilya ko.
Sunod kong tinignan ang messenger. Una kong nakita ang message ni Prince pero hindi ko muna binuksan. Inuna kong basahin ang messages na galing kay coach Ryan, Jenra , at sa ilang professors ko. I replied to their messages na mostly ay tinatananong kung ayos lang ba ako at get well soon. Nang matapos ko na silang pagre- replyan, binuksan ko ang message ni Prince. Mas nagulat ako ng halos kalahati pala ng unread kanina ay galing sa kanya.
Ano kayang problema nya?
7:30 am
Hi Princess! I'll see you at
lunch. ♥12:01 pm
Where are you? Lunch time na baka magutom ka. Nasa tapat ako ng building nyo. Ingat ♥
12:15 pm
Saan ka Princess? Nasa tapat ako ng room nyo. Wala na yung mga classmates mo eh. Saan kita hahanapin :'(
12:30 pm
Princess.. :(

YOU ARE READING
Sana..
RomanceSa buhay maraming What ifs. Lagi tayong nagdadalawang isip. Wala tayong tiwala sa kakayahan natin. Sa dinidikta ng pagkakataon. At sa kung anong nakatadhana na mangyari sa atin. At kung gano kadami ang What ifs mo sa buhay ay sya ding dami ng s...