One of the great things in life is when you find the courage to let go of what you can't change.~°~
Pag gising ko kaninang umaga, ang gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko ay nabunutan ako ng isang malaking tinik sa puso ko.Siguro kasi unti unti ko nang kayang tanggapin na wala naman talagang magiging kami ni Francis. Na para sila ni Yassi sa isa't-isa. At ako, bata pa naman ako at hindi pa huli ang lahat.
Naghihintay ako kay Prince ngayon sa Starbucks dahil sabi nya may ibibigay daw sya sakin. Eh since Sunday naman at walang pasok, pumayag ako na makipagkita sa kanya. Pumayag din naman si Mommy na umalis ako. Buti na nga lang ay tulog pa si Kuya. Baka sya pa ang number one na pipigil sa kin.
“Princess!”
Narinig kong tawag ni Prince pagpasok nya palang ng Starbucks. Napatingin tuloy lahat ng customers sa kanya na nandoon dahil ang lakas nang pagkakatawag nya sa akin.
Ngumiti nalang ako bago sya umupo sa harapan ko.
“Uso naman kumaway ano.”
Sabi ko sa kanya ng kaharap ko na sya. Ipinatong nya ang paper bag na dala nya sa lamesa.
“Excited akong makita ka eh.”
Natatawa nyang sabi. Pabiro ko syang inirapan bago uminom ng frappé.
“Ito pala yung ibibigay ko sayo.”
Inurong nya yung paper bag palapit sa akin kaya kinuha ko yon. Nagulat ako ng makita kung ano yung nasa kahon.
“Prince..”
“Nung pumunta kami ni Mommy sa Korea kahapon, nakita ko yan sa store. Ikaw agad naalala ko kaya binili ko na. Nasabi mo kasi na Pink ang favorite mong kulay diba?”
Hindi pa din ako makapaniwala sa binigay nya. Seryoso ba sya? ang mahal kasi ng sapatos na ‘to.
“Pero.. Hindi mo naman ako kailangang bilhan.”
“Oo nga. Pero gusto kong bilhan ka. Tsaka malapit na yung Opening ng Season Tournament diba? Gusto ko gamitin mo yan habang naglalaro ka.”
“Pero..”
Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. Tuwang tuwa talaga sya na magulo ang buhok ko no?
“Wala nang pero Princess. Gift ko nga yan sayo eh. May allowance pala yan ng konti para matagal mo magamit.”
I smile widely at tumango tango. Sobra akong na surprise sa regalo nya. Wala naman kasing magreregalo ng mahal sa akin.
“Thank you.”
“Welcome. That's nothing.”
I look at him in the eye. Sobrang ganda talaga ng mata nya. Ngumiti ako at ganoon din sya.
“No. I mean, thank you for everything. Ang hirap lang ipakita kung gaano kita naa- appreciate pero nararamdaman mo naman diba?”
He laugh. At hindi yun tunog ng pang iinsulto. Mas napangiti pa ako non.
“I do. You don't need to prove anything to me Princess. You is enough.. ”
We spend an hour talking about stuffs in the Starbucks. Nung mapagod na kami sa kaka upo, tsaka lang kami lumabas at nag gala sa mall.

YOU ARE READING
Sana..
RomanceSa buhay maraming What ifs. Lagi tayong nagdadalawang isip. Wala tayong tiwala sa kakayahan natin. Sa dinidikta ng pagkakataon. At sa kung anong nakatadhana na mangyari sa atin. At kung gano kadami ang What ifs mo sa buhay ay sya ding dami ng s...