05: Sana..

60 3 0
                                    


Sometimes you just gotta stay silent cause no words can explain the shit that's going on in your mind and heart.

~°~

Hindi ko alam. Walang kasiguraduhan. Walang tiyak na panahon ang makakapagsabi kung kailan ako makaka move on.

Ang hirap lang isipin na wala namang naging kami pero sobra akong nasaktan. Ang weird lang sa feeling. Para talaga akong may sira sa ulo.

But a day won't end na hindi ko hiniling na sana, sana pag gising ko kinabukasan, mawala na lahat ng sakit. Na kaya ko nang tanggapin kung ano lang ako. At mas mag focus sa kung ano bang mahalaga.

And I'm tired of waiting for that moment. Parang hindi na kasi sya dadating.

"Wag kang magpapayat,Princess."

Prince said when I didn't touch the food he ordered for me. Ayaw ko na sanang samahan nya ako dahil medyo baliw ako ngayon kaya lang mapilit sya. Eh pagod na nga ako sa kakaiyak kaya ayaw ko nang makipagtalo.

Ngumiti ako at pilit na nginuya ang pagkain kahit feeling ko ay masusuka ako. Pati ba naman digestive system ko ayaw makisama? Tss.. Kawawa naman ang katawan ko.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa park. Wala na daw klase si Prince at pinipilit nya akong pumasok kaya lang ay tinatamad na ako. Wala din naman akong maiintindihan kaya wala ding sense ang presence ko sa school. Dito nalang muna ako sa labas. Mas makaka pag isip pa ata ako.

"Sabi nila Migs nasa Cebu ka.."

Pagsasabi ko kay Prince na tahimik lang din na nakaupo sa may swing.

Sobrang thankful ako sa presensya nya dahil hindi sya matanong kung ano bang nangyari sa akin. I appreciate his silence. At least kahit nasaktan ako, hindi ko naman naramdamang mag-isa lang ako. Alam kong may kasama ako.

Tumingin sya sa akin at napatawa ng kaunti. May dimples pala sya? Ngayon ko lang napansin..

"Dapat. Kaya lang hindi natuloy dahil may sakit ako. Mahalaga ata ang attendance ko sa conference na 'yon."

Ngumiti din ako at tumango. Nakaka relax pala ang mag duyan. Ang tagal ko nang hindi ginagawa 'to. Siguro mga 7 years ago pa ang huli kong punta sa playground.

"Sabi ni Dwain nasa France ka?"

Ako naman ang napatingin sa kanya. Ha? Ni wala nga akong idea na pupunta ako ng France eh. At kung pupunta man ako abroad, sa Japan agad ang destinasyon ko at hindi sa France.

"Sabi ni Kuya?"

"Yes. He said na kinuha ka na ng uncle nyo at sa France ka na mag- aaral. Kaya daw hindi ka nakasama sa akin during lunch time. "

Napa nguso ako. Umiral na naman ang kapilyohan ni Kuya Dwain. Pati ba naman si Prince niloloko. Hay nako talaga..

"Sorry nga pala kahapon. Hindi man lang kita na inform. Pero hindi ako pumunta ng France, swear."

Lumapad ang ngiti nya at parang pinipigilan na matawa. Ano kayang tinatawanan nya?

"May sakit din ako kahapon eh. Tsaka never akong sasama sa uncle namin sa France no. Workaholic yun eh. Di uso Me time 'don. Kapagod."

Napa iling nalang si Prince. Siguro natatawa sya sa sarili nya dahil naniwala sya sa kasinungalingan nung isa.

"Sira ulo talaga yung si Dwain. Sabi nya kasi na ayaw mo na daw ako makita. Sabi mo daw na nakakasuka ang itsura ko at hindi katanggap tanggap. Kaya nga ako nagkasakit eh."

Sana..Where stories live. Discover now