02: Sana..

62 3 0
                                    

Sometimes, the hardest thing to do in life is to be happy because everything is temporary.

~°~

Two days after what happened between me and Francis, I'm not yet feeling any better.

Ganoon pa din ang scenario madalas sa school. Nakikita ko sila na magkasama. Center of attraction nga si Yassi ngayon kasi kakalabas nya lang ng ospital. Ayos na ulit ang mukha nya pero may sugat sya sa labi.

Si Francis naman, hindi na ako tumitingin sa kanya para malaman nya na ayos na ako. Na nagkaintindihan na kami. Na hindi ko na sya gusto at hahayaan ko na sila.

Well, sila naman talaga ang para sa isa't-isa. Parang ako yung kontrabida sa love story nila.

Hay, nakakapagod talaga.

I'm currently studying para sa quiz kaya nasa library ako. Ayaw kong mataasan na naman ako ni Yassi. Kahit dito man lang ay ma ungusan ko sya.

I was busy calculating this Calculus stuff nang may kumulbit sa akin.

"Can I seat with you. "

Tanong nung lalaki. I smile at him and nod. Ngumiti din sya pagkatapos ay umupo sa katapat na upuan.

Nakita ko na naglabas sya ng notebook at libro. Tapos ay may calculator din sya. Nakita nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tinignan nya din ako.

"Calculus din pinag aaralan mo?"

Tanong nya bigla dahil nakita nya din ang libro ko.

"Ah, yes. Ikaw din."

Turo ko naman sa hawak nya. He laugh shyly tapos ay nagbuklat na ng pages.

Hirap na hirap na akong intindihin ang mga sinasabi ng libro. Bakit ganito? Ang hirap naman ng calculus! Baka mataasan na naman ako ni Yassi. Tss!

I let out a deep sigh bago sinara ang libro at inayos ang mga gamit ko. Tumayo na ako at nag madali nang lumabas. I need a break. Baka makapag isip ako ng maayos kapag kumain muna ako.

Pumunta ako sa may café malapit sa may school. Pwede namang lakarin lang 'yon kaya nakarating ako agad.

Habang kumakain ay binuklat ko pa din ang libro at paulit ulit na binasa ang mga nakasulat don.
Napatingin ako sa may pintuan nang tumunog ang bell don hudyat na may bagong customer.

Nakita kong inilibot nya ang tingin sa shop at nang makita ako ay ngumiti at lumapit sa akin.

"Hi."

He said, still holding the book and the calculator on his hand.
I smiled at him before speaking.

"Are you going to seat with me again? "

I said, more into mocking him.
He laugh showing his perfect set of white teeth.

"If you don't mind."

I nod kaya umupo sya sa katapat na upuan ko. Nagpaalam syang o- order lang sandali pero nakabalik din agad.

"Dito ka din pala pumupunta?"

He started kaya napatunghay ako sa kanya.

"Yah. Lalo na kapag may quiz sa Calculus. "

I smiled and focus my attention again to what I am reading.

"Madali lang naman 'to. Kailangan lang ng patience. "

Nagulat ako nang sabihin nya 'yon. Napataas pa nga ang kilay ko kaya natawa na naman sya. Bakit ba ang saya saya nya?

Sana..Where stories live. Discover now