Don't ruin a good today
because of a bad yesterday.~°~
Natapos na ang party ni Tita Ivy pero ang dami pa ding tao. Mostly nga ay mga friends nina Kuya at Francis. Pati mga classmates at teammates ko ay nandito pa din.Hinanap ko na agad si Tita at nang makita ko sya ay agad ko na syang nilapitan at binati. Binigay ko na din ang gift ko sa kanya. Umiyak pa nga sya ng makita ako dahil akala nya daw ay nakalimutan ko na sya at hindi na ako pupunta ngayon. Na guilty na naman ako. Hay nako.
Hindi pa matatapos ang usapan naming dalawa kung hindi sya nilapitan ng mga kamag anak nya. Nagpaalam sya sa akin kaya naiwan ako mag-isa sa loob. I have no where to go kaya hinanap ko nalang si Kuya para magpahatid na pauwi. Tutal ay gabi na din at wala na akong gagawin pa dito.
Agad akong lumabas sa garden kung saan alam kong makikita ko si Kuya. Hindi nga ako nagkamali.
He's busy talking and laughing with his friends. May tendency talaga syang makalimot kapag kasama na nya mga friends nya eh. Tsk.Wala na akong choice kundi ang lapitan sya.
“Kuya..”
Kinalabit ko sya at nagulat sya kaya nagulat din ako. Seriously? Does he saw a ghost or something? Talaga 'to eh.
“Wag ka nga manggugulat Celine. Hay..”
Sabi nya habang hawak pa yung dibdib nya.
Napatawa ako dahil seryosong nagulat sya.
“Sorry Kuya. I wasn't aware na matatakutin ka na ngayon.”
“Ay ay, Wag mo kong nilalait ah. Gugulatin din kita minsan nako. Anyway, what do you want?”
I make a face and pout. Wala talaga syang pake sakin ngayon eh. Dati kala mo bata ako na bawal mawala sa paningin nya tas ngayon inaaway na ko. Ang labo nya talaga.
“Bakit di mo ko pinapansin?”
“Eh busy ako eh. Araw araw kaya tayo nagkikita sa bahay hello?”
“Why do you sound like a gay?”
Sya naman ang nag make face ngayon. Diring diri itsura nya. Kala mo nakakita ng lamang loob ng taong nabubulok na eh. May pagka maarte talaga sya madalas.
“Hatid mo naman ako. Gabi na eh.”
“Ayaw mo muna mag stay? Nandito ang mga friends mo ah.”
Napalingon ako kayna Jenra at nakita sila nina Yassi na nag kwekwentuhan. Nabigla pa nga ako. Nakalimutan ko na nandito nga pala si Yassi. Awkward pa din kasi para sakin ang makasama sya ngayon.
Muli kong nilingon si Kuya at nakitang nakatingin sya sa kung saan.
“I think I need to.. Hey, what are you looking at Kuya?”
Sinundan ko ang tingin nya at sa bahagi nina Yassi sya nakatingin.
Sino bang tinitignan nya? Si Yassi, Stella, Elle o Jenra? O yung swimming pool? Gusto nya ba mag swimming?“Kuya?”
“Yah what?”
“Sino bang tinitignan mo?”
Umiling sya at tumingin ulit sakin.
“Wala ah.”
“Okay? ”
I said kahit na alam kong nagsisinungalin sya. Merong something sa kanya eh. I'll soon figure that out.
I was about to ask Kuya again to drive me home ng bigla akong tawagin ni Jenra.
YOU ARE READING
Sana..
RomanceSa buhay maraming What ifs. Lagi tayong nagdadalawang isip. Wala tayong tiwala sa kakayahan natin. Sa dinidikta ng pagkakataon. At sa kung anong nakatadhana na mangyari sa atin. At kung gano kadami ang What ifs mo sa buhay ay sya ding dami ng s...