07: Sana..

83 2 0
                                    

Friendship isn't about who you've know the longest. It's about who walked into your life, said, “I'm here for youand prove it.

~°~


Gaya ng inaasahan ko, nagkita nga si Prince at Kuya Dwain ng inihatid nya ako kanina.

Halos mag-away na nga sila. Ay, si Kuya lang pala ang nanga- away. Buti nalang at dumating si Daddy kaya kumalma si Kuya. Hay, napaka gulo nya..

Nasa living room kami ngayon. Ako, si Kuya, Daddy at Mommy.
Mag-uusap usap daw kami about kay Prince. Wala akong idea kung ano bang pag- uusapan namin pero sumunod pa din ako.

Nakatingin lang ako kay Mommy at Daddy na tinitignan din kami ni Kuya. Magkatabi kasi kami at kaharap namin ang parents namin. Para kaming nasa isang meeting.

“So Celine.. Tell us how you met this Prince? ”

Tanong ni Mommy na medyo seryosong nakatingin sa akin. Bakit feeling ko ay papagalitan nya ako?

“Ano kasi sya My, Nakasabay ko syang kumain sa café tapos parehas kami ng inaaral. Tinuruan nya pa nga ako sa Calculus kasi magaling sya don.”

“Ehem..”

Napatingin ako kay Kuya na umayos pa ng upo at parang nang-aasar na tumingin sakin.
Malamang na sya ang dahilan kaya nandito kami ngayon. Baka siniraan nya  si Prince sa parents namin.

“Ikaw naman Dwain, pano mo nakilala si Prince?”

Napatingin ako kay Daddy nang sya naman ang magsalita. Unlike ni Mommy, kalmado lang sya. Pero seryoso pa din ang tingin nya.

Bigla kong naalala ang kwento ni Prince kanina.

“Ah.. We bet for a car race. Dwain is a fast driver kaya nagdalawang isip pa ako na pumayag sa gusto nya. But I won. At hindi nagustuhan yon ni Dwain.”

Tsk.. Ano ba naman ‘to. Gusto ko sanang sabihin kayla Mommy ang tungkol dito kaya lang, si Kuya muna ang gusto kong makausap. Gusto ko lang marinig galing sa kanya..

“Hay nako Daddy, kabalitaan kasi yan sa school. May ka-live in daw yan si Prince ngayon. ”

Hindi ko napigilan ang manlaki ang mata at magulat sa sinabi ni Kuya.

Tama ba ang narinig ko?

“What?”

Medyo mataray na tanong ni Mommy.

“Yun po ang alam ko. Lagi kasi syang pinag uusapan sa school eh. Nakakarindi na nga po.”

Hindi ko alam pero parang may halong saya sa boses ni Kuya. O baka guni guni ko lang yun?

“Why are hanging with that kind of person Celine? ”

Sa akin naman nakatuon ang atensyon nilang lahat. Kinabahan ako at nabigla sa sinabi ni Kuya kaya nawala ako sa sarili ko sandali.

“I didn't know,Mom.”

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago humarap muli kay Kuya.

“Dwain, I want you to guard on your sister. Ayaw kong lalapit pa sya dyan sa Prince na yan.”

“Copy that chief!”

Kuya salute Mommy while smiling widely. What's with him? Grabe sya.

“Duke Dwain Fajardo ! This is not a joke ha. I want your silly jokes out of here anak.”

Sana..Where stories live. Discover now