IV

396 11 0
                                    

Sinamahan na rin ako ni Drake sa paghatid kay Kuya nung mga papers. Drake has a car, less hassle.

"This would be the last Kuya." I told him habang siya ay nakaharap sa blueprint sa drafting table niya. Nagpaiwan na si Drake sa sasakyan niya sa labas.

"Ricci is a good person tho." Sabi niya habang umiiling. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanyang ginawang pagpapahiya sa akin ng lalaking yun.

"Yuck. He's a trash." Sabi ko.

"Fine. I won't bother you anymore with that. Nagkataon lang na may exam ata siya at may meetings ako, kaya ganun." Umirap ako sa kawalan sa explanation ni Kuya. May pinapagawa kasi silang bahay kay kuya at yung laman nung envelope ay mga possible designs daw. Ricci Ryle Torralba, a billionaire's only son. Kaya pala may attitude problem.

"Where's Claire?" Tanong ko sa kanila pagdating namin ni Drake sa school.

"Kumain pa." Sagot naman ni Dean. Sina Fei, Hannah at Lea lang ang nandito kanina. Nanrito na rin si Dean, kaya natanong ko kung nasaan si Claire. Sila kasi ang blockmates.

"Hindi nga sinamahan ni Dean." Hannah.

"Nakakasawa na oi. Lagi na lang kami magkasama." Dean.

"Ganya talaga ang lovers." Sabi naman ni Fei. Natawa na lang kami. Lagi kasi namin silang tinutukso na lovers. Bagay naman sila eh.

Patuloy lang naming pinagkakaisahan si Dean. Pinapaamin namin kung may feelings ba siya kay Claire, pero wala kaming matinong sagot na makuha.

"Ayoko sa maitim." Sinapak ko si Dean pagkasabi niya nun. Nakipaghi-five naman siya kay Drake. Parang walang effect yung sapak ko sa kanya.

"Ang sama nito! Morena kaya si Claire. Ang ganda kaya niya." Lea.

"Wala naman akong sinabing pangit siya eh. Hindi lang siya maputi." Humalakhak ulit si Dean kasama si Drake. Inirapan ko silang dalawa. Sa panlabas na anyo lang sila tumitingin, walang kwenta.

"Buti na lang at walang maputi sa inyo." Sabat ni Drake. Naghi-five silang ulit at nakatanggap ng batok galing sa aming mga babae.

"Aray!" Sabay nilang sambit. Buti nga sa inyo. Hindi nga kami maputi pero hindi rin kami maitim. Yung kulay namin bagay sa lahat ng kulay. Si Hannah at Fei lang ang medyo light ang skin.

Paglipas ng isang oras na pakikipagkwentuhan kay Dean, hindi pa rin dumarating si Claire kaya iniwan na namin si Dean doon dahil may klase pa kami.

"Anong nangyari sa mission mo kanina?" Nilingon ko si Lea na kanina pa ako kinukulit na magkwento sa pagpunta ko kay Ricci kanina. Hindi na nahiya sa teacher namin na naglelecture.

"Wala." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Ang daya nito." Lea.

"Wag mo na kasing kulitin si Shaia." Sabat naman ni Drake na nakaupo sa likuran ko.

"Selos ka lang kasi." Sabi ni Lea. Tinapik lang ni Drake ang likod ng upuan ni Lea.

"Bakit maingay sa likod?" Tumahimik kami bigla nang sinabi ni Sir yun. Sa likod kasi kami nakaupo. Samantala, parang walang narinig si Hannah at Fei at patuloy lang sila sa pagkwekwentuhan. Ano na nanaman kaya ang pinag uusapan nila? May sariling mundo rin ang dalawang yan.

Natapos ang klase at napagpasyahan naming umuwi na. Wala na rin kaming pasok sa ibang subject eh.

"Mauna na ako." Pagpapaalam ni Fei.

"Sabay na ako sa'yo. Bye guys." Hannah. Kami na lang nina Drake at Lea ang naiwan. Gusto ko na rin umuwi kaya lang may dadaanan pa si Drake sa admin, magpapahatid kami ni Lea.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now