XI

303 4 1
                                    

Nakangiti akong lumabas ng sinehan. Nakakakilig naman ang Beauty and The Beast! Ang gwapo pa ni Dan Stevens. Pero mas kinilig pa ako nung beast pa siya, kaysa sa naging tao na. Well, ang ganda pa rin naman, kasing ganda ko pa si Emma Watson! Boom.

Ilang sandaling paglalakad ay huminto ako sa tapat ng KFC. Nagtatalo pa ang isip at puso ko kung sa KFC ba o sa Jollibee na lang. May forever naman sa dalawa. Ay na friendzoned pala yung sa jb.

Lumiko ako at diretsong pumasok sa jb. Wala pa ring tatalo sa jollibee! Natatawa akong pumila sa counter. Kahit anong mangyari mahaba pa rin talaga ang pila. Bata man o matanda. All time favorite eh.

"Isa pong C3." Nakangiti kong sabi.

"Make it two." Napalingon ako sa nagsabi nun.

"And a large fries, 2 yum burger cheese."

My brows are furrowed still looking at him.

"Ma'am?" Tawag sa akin ng cashier? Ay ano bang tawag sa kanila?

"Ano pang gusto mo?" Tanong sa akin ni Ricci. Hindi ako makasagot. Tinatamad sigurong pumila kaya nakisabay na sa akin.

"Ano pong drinks niyo Sir?" Todo ngiti ang babae kay Ricci. Nandidiri ko naman siyang binalingan ng tingin. May kung anong magnet siguro itong si Ricci sa katawan niya, ang daming babae.

"Ikaw?" Baling sa akin ni Ricci. Napailing lang ako.

"Iced tea na lang."

Siya ang nagbayad sa inorder namin. Nakailang libre ako ngayong araw ah. Mga dalawa lang.

Umupo siya sa harap ko at inayos ang mga inorder namin. Nilapit niya sa akin ang isang C3 at yum. Ganoon din ang kanya, sa gitna naman yung fries. Ang sarap!

"Where's your boyfriend?" He surely highlighted the word boyfriend in that question.

Wala naman akong boyfriend, kaya't nagkibit balikat lang ako. Kumakain pa ako eh. Tanong ng tanong.

Hinayaan naman niya akong kumain at ubusin muna ang mga pagkain bago siya nagsimula ulit magsalita at magtanong. Nakangiti ko pang tinitigan ang mga ubus ng pagkain sa harap ko.

"Ang lakas mong pumalo ah." His brows shot up. Nagtataka ko naman siyang tinitigan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Wika ko.

"Ilang ulit mo ngang nahampas ang braso ko." Hinimas niya ang kanyang braso. Tinaas nito ang sleeve ng kanyang t shirt.

Nakakunot noo ko siyang tinitigan. Is he seducing me by showing his biceps? Pinindot niya ang ilong ko at napailing ito.

"Kita mo." Tinuro niya ang matitigas niyang biceps. Sinabi ko bang matigas? Umiling iling ako. Ang halay lang.

Binaling ko na lang ang paningin ko rito at nakitang pulang pula ito.

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.

"Kasalanan mo." Binaba na niya ang sleeve nito. Sayang. Joke!

"Ba't ako?"

"Sa sinehan."

Sandali akong natulala at nag isip.

Naalala ko tuloy na sa sobrang pagpipigil sa kilig na nadama ko kanina, nahampas ko yung katabi ko. Nakakainis kasi si Beast eh, ang cute cute.

Nag sorry naman ako sa katabi ko nun. Kaya lang, ilang ulit ko ata siyang nahampas. Hindi ko naman alam na siya pala yun.

"Naalala mo na?" Natigil ako sa pag iisip ng nagsalita siya. Tipid ko siyang nginitihan. Guilt is mark on my face.

"Sorry." Sabi ko na lang. Tumayo siya at inaya na akong lumabas.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now