XII

138 2 2
                                    

PART 10

Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na binubura ang lahat ng masasakit na alaala noon.

Siguro tama ang naging desisyon ni Papa na makipag usap kay mama. Kailangan rin niyang makawala sa mapait nilang nakaraan. Maybe Kuya is right that they need to talk and clear things out. So that Papa will realize that he has to finally let her go and accept everything.

"You seem sad, Sha."

Nilingon ko si Hannah at pilit na nginitian.

"I'm okay, may bumabagabag lang."

"Is it about boys?" Makahulugang tanong ni Lea.

Napailing na lang ako.

"Hay naku, Lea." Wika ni Fei.

"Hay naku, Fei. O, kumusta ang kasal niyo ni Drake?"

Now that Lea mention that, ngayon na lang din sumagi sa isip ko ang tungkol kay Fei at Drake.

"Anong kasal? Hindi matutuloy iyon noh!"

"Pumayag na ba si Tito na hindi ituloy? Diba, kailangan ng kompanya niyong makipag merge sa kompanya nila Drake?"

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Nasabi na rin sa akin ni Fei ang dahilan kung bakit pilit siyang ipapakasal kay Drake.

"May iba naman sigurong paraan."

"Iniisip ko pa lang na ikakasal sina Fei at Drake, kinikilabutan na ako. Paano pa kaya pag kasal na sila?"

Nilingon ko si Hannah na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Nandiri sa naisip niya.

"Ohmygod! I'm gonna laugh so hard." Natawa siya. Pati kami ay natawa na rin. Mamamatay siguro ako sa kakatawa kung ikinasal sila.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Drake. He and Fei talk naturally like nothing has happened between them. I guess masusulusyunan din nila and they're friends after all.

Hindi umandar kanila Drake at Fei ang panunuksong ginagawa ng mga kaibigan namin. Mukhang wala talaga silang pag asa.

"Wag niyo nang ipilit friends." Natatawang sabi ni Fei.

"Sabi ko naman sa inyo, gusto ko ng mapuputi." Wika ni Drake.

"Fei is light naman ah." Sabi naman ni Hannah.

"Konyo mo! Yellow yan." Sabat ni Dean.

Nagtawanan na lang kami. Si Claire na lang ang kulang sa amin. Where na kaya this girl? Lol.

Gaya ng inaasahan ko, hindi na nakisabay sa amin mag lunch si Claire. There must be really something going on.

"Hoy Dean! Ano ba talagang ginawa mo kay Claire?" Wika ni Lea, habang ngumunguya pa ito ng burger.

"Wala nga sabi."

"Napapadalas na ang hindi niya pagsama sa atin ah." Nag aalalang wika ni Hannah.

"Basta, wala akong ginawa sa kanya."

"Akala mo lang wala, pero meron. Hindi ka lang aware." Wika ko.

Lahat sila ay tulalang nakatitig sa akin. May nasabi ba akong mali?

"Artista ka na? Vilma Santos peg mo eh." Nakangising wika ni Lea.

"Excuse me! Kay Carlo Aquino ang line na yun." Inirapan ko sila. Panira ng moment.

"Tigilan niyo na nga ako! Ang alam ko lang okay kami. Hindi na nga lang gaya ng dati." Nag iwas ng tingin sa amin si Dean. Laki ng problema nila ah.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now