XIII

60 0 0
                                    




"Papa, when will mama come back?"

I don't know if this is just a dream or an illusion of me seeing my young self together with Papa in my old room.

"She will, soon."

I'm crying at the corner of my bed. Why am I seeing my past self? If this is a dream, wake up Shaia!

I can clearly see my dad's devastated self but still trying to comfort the young me.

Nagising ako nang may luha sa aking pisngi. Pinag papawisan ako ng husto at bumibilis ang pag hinga ko.

I cried hard. Nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. The past is still haunting me.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Naghubad at naligo na ako. I turned on the shower at tumayo lang doon. Tinitigan ko ang kanang balikat ko at may nakitang pasa doon. Napailing na lang ako at mas lalong napaluha.

"No.....please...." I cried.

Nadatnan ko si Ricci na nakaupo sa sala. His legs spread apart. His arms crossed at tinitigan ako. Nginitian ko na lang ito at nilampasan patungo sa kitchen.

Naabutan ko si Kuya doon na nag aalmusal. Nilingon ko si Ricci sa sala. Nagkatitigan kami. Nag iwas agad ako ng tingin. Nakakain na kaya siya?

"Kuya...."

Tiningala niya ako at nginitian.

"Good morning!" Masiglang bati niya. Kunut noo ko siyang tinitigan. Ang hyper niya ngayon.

"Father will be home today, that's why I'm here. Susunod din si Mika dito. May inayos lang." Nagkibit balikat lang ako at tinuro si Ricci.

"Anong ginagawa niya dito?"

"He's visiting you?" Kibit balikat na sabi ni Kuya. Sinimangutan ko lang ito.

"Nakakain na ba siya?" Umupo ako sa harap ni Kuya at kumuha na ng makakain.

"I offered, but he said he ate already."

"Bakit ba siya nandito?"

"Visiting....you?" Makahulugang ngiti ang ginawad sa akin ni Kuya. Inirapan ko na lang ito.

"Ha.ha. Funny."

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Mabilis na natapos si Kuya, kaya nandoon na siya sa sala kausap si Ricci.

Pumanhik akong muli sa akin kwarto nang natapos akong kumain. Nagpalit ako. I wore a rose colored blouse and a denim short paired with a white sneakers.

"Saan ka pupunta?" Salubong sa akin ni Kuya. Nandoon pa rin si Ricci sa tabi niya. Ano kayang pinag uusapan nila?

"Magkikita kami ni Drake."

Nginitian ko si Kuya. Binalingan ko ng tingin si Ricci na salubong ang kilay at nakasimangot.

"Darating si Papa ngayon."

"I know Kuya. Saglit lang kami at hapon pa naman ang dating ni Papa."

"And why are you wearing that?" Tinuro ni Kuya ang shorts ko.

Nilingon ko ang kasama niya at nakatingin rin ito dito. My face heated. Ugh! I hate you Kuya.

"Maybe it's a date. Hayaan mo na Sev." Sumulpot si Ate Mika mula sa kusina. Nakarating na pala siya.

"A date? With Drake? Really?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Kuya. Is it that impossible for them to believe that me and drake are having a date? Well, it's just a friendly date. Nagpapasama lang naman siyang bumili ng bagong sapatos. Boys and their luhos.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now