IX

235 4 0
                                    

Tinagilig ko ang aking ulo at nagkibit-balikat. Something's definitely wrong with me. Malapit lapit na siguro ang dalaw ko.

"Huy!"

"Ay! Kabayo!"

"Aray naman!" Napaawang ang bibig ko nang nahampas ko si Drake sa gulat. Kasalanan naman niya eh.

"Sorry. Ikaw kase." Hawak-hawak ang kanyang balikat ay dahan-dahan niya itong hinimas. Napangiwi siya.

"Ang lakas naman ng hampas mo." Napanguso ako at tipid na ngumiti.

"Lalake ka talaga." Sinimangutan ko siya at naglakad na lang ulit papunta sa classroom namin.

"Hehe. Biro lang." Inakbayan niya ako at nginitian nang nilingon ko siya. Inirapan ko na lang. Sabay na kaming naglakad papuntang room.

Nadatnan namin ang mga kaklase naming sobrang ingay. May iba't ibang grupo. Nahahati sa tatlong grupo ang block namin.  Ang unang dalawang grupo ay matatalino. Yung isa ay matatalino't mababait, pero medyo madamot sa sagot. Yung isa naman ay matatalino't maiingay, at ang lagi naming kinakapitan. Ang ikatlong grupo ay kami-kami lang. Maiingay, matalino rin naman, tsaka kapit sa share it at bluetooth pag exam. If you know what I mean. Haha.

"May quiz raw tayo ngayon kay Sir Mercadejas." Bungad ni Lea sa amin. Napangiwi ako.

"Ang sipag naman nilang magpa quiz ngayong araw." Sagot ni Drake.

Nagsimula kaming ayusin ang mga upuan to put it in their respective places. Nagkagulo-gulo na kasi.

Natapos ang quiz namin at nakakapagod talagang mag isip. Sayang ang kagwapuhan ni Sir Mercadejas, ang lupit sa mga estudyante niya eh.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Drake habang niligpit ko na ang mga gamit ko.

"Oo sana. Nahihilo ako."

"OHMYGOD SHAIA! BUNTIS KA?!" Singhap ni Lea na siyang naging dahilan kung bakit napatingin sa amin ang mga kaklase namin na gulat na gulat.

Inirapan ko si Lea at inis na binalingan siya ng tingin.

"Nahihilo lang ako. Hindi buntis!" Napabuntong hininga siya at tumango. It's like she felt relieved. Napailing na lang ako.

"Pasensya na classmates! Pero hindi ako buntis! Tinotopak lang si Lea!" Nagtawanan naman sila at tuluyan ng lumabas ng classroom. Sumunod na rin kami sa paglabas.

"Ihahatid na kita." Anyaya sa akin ni Drake. Umiling ako.

"Hindi na. Magtataxi lang ako. Dadaan pa ako sa bahay nila Kuya."

"Sigurado ka?" Tumango tango ako bilang sagot. Hinayaan naman niya ako at hinatid pa rin sa labas ng school at hinintay na makasakay ng taxi.

Pumasok agad ako sa bahay nila Kuya nang pagbuksan naman ako ng katulong nila. Modern look is all over their house. From the wooden tiled floor to the wide ceiling. White and cream ang kulay ng bahay nila.

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay. I saw pictures of them displayed sa sala. I hope it's a happy ever after for them.

"Shaia?" Binaling ko ang aking tingin sa pababa ng hagdan na si Ate Mika. She's wearing a floral dress and a slippers. Nginitian ko siya. She's still pretty.

"Ate." Niyakap ko siya at nakipag-beso. "Kamusta na?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman Ate. Kayo? Si Kuya?" Nag iba ang ekspresyon niya at iniwas ang tingin sa akin.

"He's still at work."

"He's working late?"

"Lagi naman Shaia." Hindi nakatakas ang disappointment sa boses ni Ate Mika.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now