VI

261 5 0
                                    

Pinagbuksan agad ako ni Kuya Carl nang makarating ako sa condo niya. I saw Kuya Seven lying on the couch at nakakunoot ang noo niya. Mukhang may pinagdadaanan. He doesn't usually drink.

"Anong nangyari?" I asked Kuya Carl. Nagkibit balikat lang siya sa akin at iniwas ang tingin.

"Sa trabaho ba 'to?"

"I don't think so." Simpleng sagot niya.

"Eh ano? Hindi naman siya umiinom ah." Bumuntong hininga si Kuya Carl at tinitigan ako.

"You should ask Mika. Baka nag away sila, nagkakaganyan lang naman yang si Seven kapag may hindi sila pagkakaintindihan ni Mika." Nilingon ko si Kuya at ang himbing ng tulog niya. Knock out na talaga eh.

"Are you sure?" Kuya Carl just shrugged his shoulders and started cleaning the mess that Kuya Seven did. Iniwan ko na muna si Kuya at tinulungan si Kuya Carl na maglinis.

Nagpaalam na muna ako kay Kuya Carl at iniwan si Seven dun. Kailangan ko na munang umuwi. I also need to ask Ate Mika. Nag away ba sila? Papa and Kuya Seven are really alike. They love too much. I just hope na hindi magaya si Kuya Seven sa nangyari kay Papa. It would be tragic. And I know Ate Mika's not like that.

Pagdating ko sa bahay nagtext na muna ako sa mga kaibigan ko. Magtataka kasi yun kung bakit nawala ako agad.

Ako: Guys I'm sorry hindi na ako nakapaalam pa. May emergency eh. Pakisabi na lang kay Drake. Cheer me for him. See you tomorrow. Lovelots. Bye.

Naghintay ako ng ilang sandali at sabay sabay pang nagsidatingan ang replies nila.

Lea: Oh my god! What happened?

Fei: Is everything alright?

Hannah: Kami nang bahala magpaliwanag kay Drake.

Claire: See you tomorrow na lang.

Dean: K

Napailing ako sa naging reply ni Dean. Ang gago talaga nun. Hindi na ako nagreply sa kanila dahil nawawalan na rin ako ng lakas. I'm too exhausted. I should call Ate Mika.

Nakatatlong ring ito at sinagot niya rin agad.

"Hello." Boses ng lalake ang sumagot sa phone niya.

"Si Ate Mika po?" Baka katrabaho niya lang. Nagtatrabaho na nga pala siya ulit.

"She's in comfort room." Comfort room? At sino ba to?

"Excuse me, but who's this?" With my irritated voice, I asked him over the phone.

"Oh. I am Je-----" Biglang naputol ang linya.

Sinubukan kong ulit tumawag kay Ate Mika pero cannot be reach na ang phone niya. She must be busy. Hindi ba yun uuwi? 11pm na eh. Night shift ba siya? Manager siya ng hotel ah.

Binalewala ko na lang yun at nagsimulang linisin ang sarili para makatulog na. Bukas ko na lang kakausapin si Kuya, pag hindi na lasing. I'm sure maaayos naman nila yan ni Ate Mika.

Kinaumagahan, tumawag ako agad kay Kuya Carl para icheck si Kuya.

"How's Kuya?"

"Eto tulog pa rin. Ang baho!" Naiinis ang boses sa kabilang linya. Mahal na mahal pa naman niya yung couch niya.

"Hoy Seven! Gumising ka nga jan. Dinumihan mo pa yang couch ko." Narinig kong sabi ni Kuya Carl. They really are good friends.

"Kuya, dadaanan ko na lang muna jan si Kuya Seven bago pumunta sa school."

"Wag na. Kaya na nito ang sarili niya. Pumasok ka na lang." Napanguso ako sa sinabi ni Kuya Carl. Okay then.

"Buhusan mo ng mainit na tubig si Kuya, baka sakaling magising." Humalakhak si Kuya Carl sa kabilang linya. Hindi na uso ang malamig na tubig eh.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now