II

636 13 0
                                    

Hindi na ako nakatulog pagkatapos nang nangyari kanina. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa panonood ng korean drama. Alas syete ng umaga ng napagpasyahan kong lumabas ng kwarto at bumaba para makapaghanda ng umagahan. For sure tulog pa si papa. Knock out yun.

"Nay Nelia?" Papalapit ako sa dining table namin ng nakita ko si Nanay Nelia na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Monday nga pala ngayon.

"Kumain ka na Hija." Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Sarap na sarap ako sa pagkain nang biglang tumunog ang phone ko. Si Kuya tumatawag.

"Yes bro?" Panimula ko. Napasinghap lang siya sa kabilang linya.

"May nangyari ba? Tumawag ka kanina." Nag aalala ang tono niya. Napangiwi na lang ako.

"Wala lang yun. Alam mo na, si Papa. Lasing." I sounded happy para hindi na siya mag alala. Ayoko nang dagdagan ang stress niya.

"Si Papa talaga. Always call me Sha. Okay?"

"Yes brotha!"

"Stop that silly. Sge na. Visit me later."

"Okay. See you."

"See you." Pinatay ko na ang tawag. Bibisitahin ko nga pala siya sa opisina niya mamaya. Nakakatamad. Buti na lang rest day namin ngayon, 2nd year na ako. Taking BSA. Accountant ata to. Hahahaha.

Our family own a company. An Engineering/Architectural Firm. Si Kuya Seven ay Engineer na. Civil Engineer. Si Papa engineer din, electrical engineer. Ako? Ayoko sa engineering eh. Ang daming math. Si Kuya na rin kasi ang namamahala sa firm namin ngayon. Medyo matanda na rin si Papa eh.

I haven't introduce myself nga pala. I'm Shaia Laureen Padilla. My Kuya is Seven Gyle Padilla III and Papa is Antonio Padilla II.

Tinanghali na ako nang nakarating sa company building namin. Gutom na gutom ako nang sumakay sa elevator.

"Sana may pagkain si Kuya." Nangingiti kong sabi. Iniisip ko pa lang ang pagkain parang nasa heaven na ako.

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa floor ng opisina ni kuya. Bumukas ito at bumungad agad sa akin ang all black na opisina. May konting shade din ito ng ibang light colors. Buong 11th floor ang opisina ni Kuya. Gahaman lang. Joke.

"Brotha!" Sigaw ko mula sa mini living room ng kanyang opisina. Naglakad ako patungo sa kanyang working table at nadatnan ang seryoso niyang mukhang nakaharap sa kanyang mac. He's still working. Tsk tsk.

"Kuya, I'm here." Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa akin. Lumayo ako sa kanya habang nangingiti.

"Ang tangkad mo naman Kuya! Layuan mo ako!" Natatawa kong sabi. Naiiling niyang hinablot ang aking braso at hinila para maupo sa sofa.

"Si Ate Mika?" May nakita akong prutas sa lamesa at linantakan agad yun.

"She's at work." Medyo iritado ang boses ni Kuya nang sinabi niya yun. I thought Ate stopped working. She's a hotel manager. Patuloy lang ako sa pagkagat sa apple nang biglang tumunog ulit yung elevator. May dumating. Ate Mika?

Tumayo si Kuya para daluhan yung taong dumating. Tumayo rin ako para makita kung sino yun. I was shocked when I saw him. Why is he here? I shrugged my shoulders at bumalik sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain.

Habang patuloy kong kinakagat ang mansanas sinusulyapan ko naman si Kuya at yung kasama niya. Hindi nga ako napansin nung kasama niya eh. Seryoso na silang nag uusap medyo malayo sa akin. I know the guy, I just don't know his name.

"I'll tell Dad. Tatawagan ka raw niya mamaya." Rinig ko sabi niya habang naglalakad sila padaan sa sofa na inuupuan ko.

"Okay. I'll wait for his call." Tumango lamang ang kasama niya at napatingin sa kinaroroonan ko. I stood up and said, "Hello!" I waved my hands too and smiled. He just stared at me blankly.

"Okay.." Sabi ko sa sarili ko. Umupo na lang ako ulit ng sitahin ako ni Kuya. Ang sama nito. Nagiging friendly lang naman ako ah.

Natapos ang araw ko ngayon ng walang ginawa kundi ang tumambay sa opisina ni Kuya at kulitin siya ng kung anu-ano. Buti na nga lang at hindi ako pinalayas nun. Well, my brother loves me so much.

"Shaia, how's your Kuya?" Si Papa. Tapos na kaming kumain ng para sa dinner at sa sala naman kami ngayon at nanonood ng isang teleserye sa tv. Ang gwapo pala ni James Reid? Lol.

"Okay naman po." Sagot ko kay Papa at nginitian siya. Papa isn't working anymore. He helps Kuya from time to time rin naman. Ang ginagawa na lang niya ngayon ay ang magpahinga at maglaro ng golf at iba pang sports kasama ang mga kaibigan niya, like Tito Ronald.

"Are you going out with Tito Ronald tomorrow?" Tanong ko.

"Yes. We might be going to Cebu."

"Cebu? Pero....." I looked at him worriedly. Why there?

"It's okay. Kasama ko si Ronald at ang iba ko pang kaibigan. I won't go there." He told me. He holds my hair at sinuklay niya ito gamit ang kanyang mga daliri. Nilingon ko si Papa at nginitian. I just really hope that he won't go there and beg again.

Kinaumagahan naghanda na ako para sa pagpasok ko sa school. I did my morning rituals at bumaba na para mag umagahan. Nadatnan ko si Papa na nagkakape sa dining table at may binabasa sa kanyang dyaryo.

"Good morning Pa." I sat down at nagsimula ng kumain.

"After lunch pa ang alis namin. Are you gonna eat here?" Nilunok ko muna ang kinakain ko at sinagot si papa.

"Hindi na po. Sa school na ako." I smiled at napatango lang si papa. I hope everything will be alright there.

"Lea!" I waved at Lea nang nakita ko siyang nakaupo sa isang lounge sa school na tinatambayan namin pag walang pasok. Maraming estudyante rin ang tumatambay dito. Every department building ay may sariling lounge for siesta ng students but the majority of the students preferred it here kasi open area at fresh ang hangin dahil may nakapaligid na mga puno. It is the heart of our school campus.

"God! Kanina na ako rito. Asan si Fei? Drake? Hannah? Claire? Dean?" Lea looks frustrated habang sinasabi yan. Siya kasi lagi ang early bird sa amin. Umupo ako sa harap niya.

"Nagtext sila sabi papunta na. Tsaka may klase na sina Claire at Dean." Laging late ang teacher namin pag TTH ang sched. 7:30 is our class pero dumarating siya ng mga 9:00, it will end at 10:30.

"Papunta? Kakatapos lang nila maligo." Natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko, pati siya natawa rin. Alam kasi nilang late rin si maam, kaya no worries. 8:20 nga ako dumating eh.

"May naghahanap nga pala sayo kanina." Lea told me at nangingiti siya na parang aso. Who was it?

"Sino?"

"You won't believe it! Pati ako nagulat ako nung tinanong ka eh!" Sabi niya, no sigaw niya. Pinagtitinginan tuloy kami. Sino ba yun and why is she so hype out?

"Sino nga kasi?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Umupo siya ng maayos at may palunok-lunok pa siyang nalalaman. That person must be a VIP, kaya nagkakaganito tong kaibigan ko.

"It's Ricci!" Sigaw ulit niya at pumapalakpak pa siya. What's gotten into her and who?

"Sinong Ricci?" Nagtataka kong tanong.

"Omg. You don't know him? Saang bundok ka ba galing?" Inaalog-alog niya ako habang sinasabi yan. Nginiwian ko lang siya at nagkibit balikat. Binitiwan niya ang balikat ko at may kung anong tinatapa sa kanyang cellphone. Nakahalukipkip lang akong tinitingnan siya.

"Here." Hinarap niya sa akin ang kanyang cellphone at may pinakitang picture. Umupo ako ng maayos at may parang light bulb na lumabas sa utak ko.

"Ahh~~~~" Tumango-tango ako. So, Ricci is his name.

"Kilala mo na?" Nakasimagot si Lea at parang mapapatay niya ako dahil hindi ko alam ang pangalan nun.

"Oo. I just don't know his name." Yun pala yung bisita ni Kuya kahapon sa office niya. Ricci. He's popular with girls and boys and gays. Ako lang ata ang hindi nakakaalam ng pangalan niya. Hindi naman importante eh. He's a playboy. I have no interest with guys like that.

"Ang hot niya noh! Ang gwapo talaga." Kinikilig na sabi ni Lea. She must be a fan.

"So so." Sabi ko na lang. Sinampal pa ni Lea ang balikat ko. Ang sakit nun.

"Bulag ka talaga." Si Lea. Tumawa na lang ako. I prefer someone like my dad and kuya. They're the perfect example for my leading man.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now