III

503 11 0
                                    

Dumating na si maam at natapos ang klase ay hindi pa rin dumarating ang mga kaibigan namin. Siguro nung nagtext sila ng papunta na ay kakagising pa lang nila. Ang layo pa naman ng binabyahe ni Drake at Fei.

"Grabe talaga! Bilib na bilib talaga ako sa inyo." Hindi na napigilan ni Lea at kung anu-ano na ang sinasabi ngayon.

"Hoy! Hindi ako kasali." Natatawa kong sabi. Sinipat lang ako ni Lea at nagsimula na namang pangaralan ako. Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria malapit sa building dept namin.

"Buti sana kung matatalino tayo eh." Dagdag pa ni Lea.

"Matalino ka naman ah!" Sabi ko sa kanya. Snob lang ang natanggap ko sa kanya. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bag at nagsimulang mag type ng message sa matatalino naming kaibigan. Ang tagal naman nila!

"Nasaan na daw sila?" Nasa cafeteria na kami ngayon at umupo na sa usual seat namin, good for 6 people.

"Walang reply." Pinakita ko pa ang phone ko sa kanya at napailing na lang siya. Tumayo ako para umorder ng makakain namin ni Lea, ako na rin ang umorder para sa kanya. Badtrip siya eh, baka may masampal siya sa nagtitinda rito.

"Dalawa pong mineral water, dalawang kanin, at isang order ng menudo at chicken curry." May nakalimutan pa ba ako? Wala na siguro. Iniabot ko ang bayad kay ate at hinintay ang sukli at yung order ko.

Bumalik na ako sa table namin pero may tatlong lalaki ng nakaupo roon. Nilapag ko ang tray na may laman ng pagkain namin at umupo sa tabi ni Lea. Unlike her expression awhile ago, she was all smile now. I looked at the person in front of me and it was that guy. What's his name again?

"You're Shaia, right?" Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Napansin ko namang hindi pa rin ginagalaw ni Lea ang kanyang pagkain. Anong problema nito.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko kay Lea. Nilingon lang niya ako at parang natatae ang mukha niya. May LBM?

"Kayo? Hindi rin kayo kakain?" Wala kasi silang inorder at pinapanood lang kami, I mean akong kumakain. Nakangiti lang ang dalawang kasama ni, sino nga to? Ricci, right Ricci.

"No." Malalim ang boses na sabi niya.

"Here. Give it to your brother. Hindi ako makakapunta sa kanya ngayon." May envelope siyang nilapag sa mesa. Kinuha ko yun at binalik sa kanya. Busy ako ngayon, siya na lang kaya ang magbigay.

"May gagawin ako. Tsaka ikaw dapat ang magbigay nyan."

"What? Kapatid ka niya, you could just give it to him." Kunot noo niyang sabi sa akin. Bossy.

"For the record, we don't live in the same house and I'm busy." Bakit ba hindi na lang siya ang magbigay, mukhang wala naman siyang ginagawa. Nagpatuloy ulit ako sa pagkain. He's distracting me.

"You know what, I have an exam. Kaya ibigay mo yan. You're just lazy." Nilapag niya ulit yung envelope sa lamesa at tinitigan ako ng mabuti. I'm done here. Binaba ko ang hawak kong kubyertos at huminga ng malalim.

"Why don't you just give it to my Kuya? Tutal ikaw naman ang may kailangan sa kanya. Don't bother a busy person like me. I don't even know you. You're a pain in the ass." Nawalan na ako ng ganang kumain at tumayo na para makaalis rito. Nilingon ko si Lea at hindi niya pa rin nagagalaw yung pagkain niya. Laglag ang panga niyang nakatingin sa akin, even some students here. I guess they heard what I just said. What's wrong with that? Nakakainis kasi. Iniwan ko na si Lea doon. Fresh air please.

"OH. MY. GOD. SHAIA!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lea sa harap ko. Nandito ulit ako ngayon sa tambayan namin. Nginiwian ko lang siya.

"Why did you do it?! You could just accept that envelope and give it to Kuya Seven. You even told him that he's a pain in the ass?! Really Sha?!" I cover my ears at sinubukang balewalain ang sinasabi ni Lea. I know I overreacted on that. Nakakainis lang kasi, ako pa talaga yung tamad. Wow. I can't even find the reason kung bakit hindi na lang siya ang magbigay at ako pa ang pinipilit niya.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now