X

218 2 0
                                    

Nagising ako sa mumunting ingay galing sa labas. Bumangon ako't naghilamos at nag toothbrush na rin ako. Lumabas ako ng kwarto. Nakita kong wala namang tao sa sala pero may halakhak pa rin akong naririnig.

Tumakbo ako papunta sa harap ng kwarto ni Papa kung saan masisilayan ang dining rea mula sa taas. Sino yan sila?

Si Papa at Kuya lang ang kilala ko dun. Nakayuko naman kasi silang lahat.

Bumalik ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Naka pajama pa ako nakakahiya.

"Bukas po yan." Sabi ko ng may narinig na kumakatok.

"Iha, bumaba ka na at sumabay sa Papa mo." Tumango ako at nginitian siya.

"May bisita kayo." Tumango ako ulit at lumabas na ng kwarto. Hindi ko na tinanong si Nay Nelia kung sino ang mga bisita. Mukhang hindi naman niya kilala.

Nagtatawanan pa sila nang malapit na ako sa table. Namataan ako ni Papa.

"Buti naman at gising ka na." Lumapit ako sa kanila.

"Goodmorning po." Bati ko sa kanila. Nagsingitian sila pero may isa sa gilid na nagpipigil ng tawa. Masama ko siyang tinitigan. Naputol lamang iyon ng pinaupo na ako ni Kuya.

Sa gitna nakaupo si Papa. Sa kabilang dulo niya ay si Kuya at ako. Sa kabila naman ay isang lalaking kasing edad lang ni Papa, tatay siguro ni Ricci. Katabi nito si Rashleigh at si Ricci. Magkaharap kami ni Rashleigh. Kilig!

Pinasadahan ko ng tingin ang medyo may edad ng lalaki sa tabi ni Rashleigh. No doubts, ama nga ni Ricci.

Alam ko na ngayon kung saan siya nagmana. Kung hindi ako nagkakamali ay may iba silang lahi. British? English? Ay ewan.

Tulad ng kay Ricci, ang mga mata ay kulay gray. Malamang habulin rin si Mr. Torralba nung kabataan niya, hanggang ngayon pa nga siguro. Pretty boy, same as Ricci. Sharp angled jaw line, same as Ricci. Playboy rin? Hindi naman siguro. Napailing ako sa naisip ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kuya sa akin. Nilingon ko siya at nginitian.

Sinulyapan ko si Rashleigh na ngayon ay sumusubo ng pagkain. Ang gwapo rin niyang kumakain. Napatingin siya akin, at ngumiti. Nahihiya naman akong ngumiti pabalik.

"Tss." Binalingan ko ng tingin si Ricci na ngayon ay busangot ang mukha. Kunut noo niya akong tinitigan. Anong problema nito? Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Good thing nandyan naman si Rashleigh, at tinutulungan ka sa business line ninyo." Sabi ni Papa.

Tinapik ni Mr. Torralba ang balikat ni Rashleigh at tumango-tango na tila ba sobrang proud nito.

"Buti na lang at meron akong isang Rashleigh, kung wala ay hindi maipagpapatuloy ang nasimulan ko." Napangiti ako. Buti na lang at malapit at tanggap ni Mr. Torralba si Rashleigh, kahit na hindi naman niya anak ito.

Tumikhim si Kuya, sinundan ko ang tingin niya at kay Ricci ito nakatuon. Kumakain lamang si Ricci na parang walang naririnig.

"Tito, nandito rin naman si Ricci." Sabi ni Rashleigh. Napangiwi si Mr. Torralba.

"Ibang landas naman ang tinahak niya." Tumikhim ulit si Kuya. Kumakati siguro ang lalamunan niya.

"He could still help you." Panimula ni Papa.

"He would be an engineer someday, hindi ka na mahihirapan pang maghanap ng ibang magpaplano ng hotels and resorts niyo." Sinulyapan ko si Ricci. Walang emosyong nakatingin siya sa hapagkainan. Nakayuko lamang ito at hindi na ginalaw ang kinakain.

"Sana nga ay ganun. Ngayon pa lang ay nakikialam na sa bagong resort na pinapatayo ni Rashleigh." Napangiwi ako sa nasabi ni Mr. Torralba. Tila ba ay disappointed siya sa ginagawa ni Ricci at sa napili nitong kurso.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now