VIII

262 8 0
                                    

Alas kwarto ng hapon nang nakarating ako sa oipisina ni Kuya. Dala dala ko ang flashdrive na pinabibigay sa akin ni Ricci. Hindi ba pwedeng siya na lang ang magbigay nito kay Kuya o di kaya yung mga nagtratrabaho sa kanila? Ako yung ginagawa nilang tagahatid eh.

Tumunog ang lift hudyat na nakarating na ako sa floor ng office niya. Dumiretso ako sa table niya at nadatnan siyang nakikipag usap sa kung sino man.

I smiled when he spotted me at winagayway sa ere ang flashdrive. Lumingon ang kausap niya. I don't know... wow.... ang gwapo.

Dahan dahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Tumayo siya. Bakit parang ang slow mo ng lahat ng ginagawa niya?

"Hoy!" Nagising ako sa realidad ng sigawan ako ni Kuya. Well, mahinahong sigaw pero nakakahiya pa rin sa bisita.

Hinablot niya mula sa kamay ko yung fd. Sinimangutan ko siya.

"Oh bakit?" Nagmamaangang tanong niya. Inirapan ko siya. Pinapahiya niya ako sa kasama niya eh. Dapat smooth lang siya sa akin.

At kailan pa ba naging smooth ang ugali ni Kuya sa akin? At kailan pa naging big deal ang pagtrato niya sa akin kung may ibang tao? Sanay na ako, wala na akong pakialam. Pero nakakahiya pa rin sa bisita niya. Na conscious tuloy ako.

"Bro, my sister." Pagpapakilala niya sa akin. Nginitian ako ng kasama niya. Kaibigan siguro ni Kuya to.

"Hi. I'm Rashleigh. Rashleigh Paraiso." Nilahad niya ang kanyang palad upang makipag-shakehands. Tinitigan ko ito. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.

Binalik ko ang tingin sa aking kanang kamay. Naghugas ba ako ng kamay kanina? Baka madumi na.

Tinapik ni Kuya ang balikat ko at sinenyasang makipag kamay na kay Rashleigh. Ginawa ko naman iyon.

"Shaia po." Nahihiya kong sabi. Binaling ko ang aking tingin kay Kuya at makahulugang tingin ang binigay niya sa akin. Tinatantya ang aking mga galaw.

"Your sister is pretty, unlike you." Naubo ako ng konti sa sinabi niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

Nakaupo kami ngayon sa malawak na couch ng opisina ni kuya. Katabi ko si Kuya habang si Rashleigh naman ay nakaupo sa solong couch. Sa harap namin ay ang maliit na mesa at nakalatag doon ang coffee na iniinom namin.

"Ito? Maganda? Your standards are low, Rash." Sabi ni Kuya ng natatawa. Matalim ko siya tinitigan pero hindi pa rin nadala.

"She's flat bro." Dagdag pa ni Kuya. Hinampas ko siya sa kanyang braso yung tipong buong lakas ko ay inalay ko don.

"Aray! Totoo naman ah!"

"Kuya naman.... bata pa ako." Tinawanan lang ako ni Kuya habang si Rashleigh ay nangingiti na rin. Ano bang nakain ni Kuya at ang hyper niya?

Nag usap silang dalawa at lumayo ako ng konti kay Kuya sa kinauupuan namin at nakipagtext na lang sa mga kaibigan.

Minsan ay sinusulyapan ko si Rashleigh. Hindi ko mapigilan eh. Kapag dumadapo naman ang tingin niya sa akin, umiiwas ako at binabaling ang atensyon sa phone ko.

His face features are strong. With those mala model na panga, at sa tuwing nagsasalita siya ay umiigting ito. Well, pareho lang naman sila ni Kuya, pero mas suplado ang mukha niya. Tsaka may kamukha siya eh. He has a unique color of his eyes.

"Ricci has been sending me plans and designs for that resort of yours." Napalingon ako sa kanila nang narinig ko ang pangalan ni Ricci.

"Really? He's meddling with that too. How about the house?" Napapailing na sabi ni Rashleigh.

SEARCHING FOR YOUWhere stories live. Discover now