Ako yung babaeng kahit kailan, hindi makikita. Kasi walang may gustong tumingin sa akin. Bakit? Dahil pangit ako. Wala akong talent. Mahina ako. Hindi ako mayaman. At... Hindi ako famous. Kapag hindi ka famous dito, bumili ka ng kaibigan mo. Atchay ka lang. You know, utusan? Para kang utot. Ganun ka dito.
Ako si Jamille Ruiz. May kaibigan naman ako. Mga tatlo ganun. Ang tawag nila sa akin, Jam. Bakit Jam? Ewan ko. Tanungin mo na lang sa kanila. Kasi Jamille. I am already 17. Grade 11 student sa isang private school. Honor student. Top 3. Pero walang nakakakilala sa akin pwera ako, dad ko, kaibigan at teacher ko. Sa Morgan-Wellington High School ako nag-aaral. Nakakatuwa di ba? Ako lagi ang puntahan ng mga may galit sa mundo. Hindi para mag-advice. Kundi para i-bully nila.
Jam's POV
"Sadako! Bakit ba ang pangit-pangit mo?! Nakakairita ka!"
"Oo nga. Wala pang utak! Lumipat ka na ng school. Hindi ka bagay dito!"
"Tsaka alam naman naming kaya ka lang naman nakakapag-aral dito dahil scholar ka. You know? Poor people! Hahaha. Kailangan pa ng scholarship para makapasok sa isang 'prestigious' school."
Hayan na naman sila. Nasa canteen ako ngayon. Mag-isang kumakain. Sanggunian Board Members kasi sila Yanna, Louise at Shaina. Sila lang kaibigan ko dito. Since Grade 3 yun. Bakit sila may clubs? Magaganda kasi yung mga yun. Ewan ko ba kung bakit nila ako kinaibigan. Actually, gusto ko ring sumali sa mga organizations dito pero mismong yung orgs na ang tumatanggi. Bigti na friend!
BINABASA MO ANG
Invisible Love
Novela JuvenilSomeday, may isang taong makakakita ng halaga mo. May isang taong magpapahalaga sa'yo at ipaparamdam sa'yo kung gaano sila kaswerte sa'yo.