Sophia's POVNapamulat ako nung may naramdaman akong kung ano na malambot sa bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko nung na-realize kong ang lapit ng mukha ni Niel sakin.
Bigla ko tuloy syang naitulak ng wala sa oras saka ako biglang tumayo.
At ngayon ko lang napansin na andito pala ang mga gaga at may dala silang kamera.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nung naalala ko tuloy bago ko pa buksan ang mata ko ay may biglang nag-flash.
"Kyaa! Ang bagay niyo talaga Sophia!" Sigaw ni Denise.
"Hindi kami bagay. Tao kami." Sabi ni Niel. Napalingon tuloy ako ng wala sa oras sakanya at napansin kong namumula yung buong mukha nya.
"Whaa! Idelete niyo yun!!" Sigaw ko sabay pilit na kunin ang kamera kay Denise.
Pero tinaas niya lang ito dahilan na hindi ko maabot. Ang tangkad kasi ni Denise.
Ako naman. Yung leader. Pandak. Huhu! Nakakainis!
"Eh! Bawal!" Sigaw ni Denise. Pero pilit ko padin inabot yung kamay nya.
"Sabing idelete nyo yan eh!" Sigaw ko. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito kundi maraming nakakita sa pag.....basta!
"Ipost ko 'to mamaya!" Sigaw ni Denise. Napatigil ako sa kakalundag at dun namula ang buong mukha ko.
"Whaa! Idelete niyo nga yan sabi eh! Nakakahiya talaga! Eh ang manyak niyo eh! Akala ko mga lalake lang ang mga manyak! Eh kayo na rin eh! Ang manyak niyo kasi ipo-post nyo yan sa fb na nag...ah! Basta! Idelete nyo yan!" Sigaw ko.
Dahilan para mapatigil sila. Wala kung sino ang nagsalita samin. Inirapan ko na lang silang lahat. Namumula na talaga ang mukha ko kanina pa!
Hindi dahil sa nahihiya ako kundi sa nagagalit ako. Oo! Madali akong ma-pikon.
They know that. Pero anong ginawa nila? Hayss! Paminsan nga talaga nakakainis kung meron kang kaibigan eh!
Kinuha ko yung bag ko at linagay ko sa balikat ko atsaka nagsalita. "Bahala kayo dyan. Ipapa-expell ko kayo." Sabi ko sabay talikod sakanila.
"Bes!" Sabay sabay na sabi ng mga girls ko. Napairap na lang ako habang lumalakad sa door na palabas ng rooftop.
"Nagmamayabang pero magmakaawa wagas! Tse!"
Sabi ko sabay flip ng buhok ko atsaka sinara ang pinto ng malakas.
-------
Nakapikit ako ngayon habang may nakasuksok na earphones sa tenga ko at nagpapatugtug.
"Sophia."
Ano na kaya ang nangyare sa lima na yun? Siguro nag-si-iyakan na yun kasi ipapa-expell ko sila.
Joke lang yun noh. Para makaalis ako duon. At kapag inulit nila ULIT yun. Malalagot na talaga sila.
"Sophia!"
Akala nila hindi ko sila kayang ipa-expell dito sa school na 'to. Kahit na bestfriend nila ako ay magagawa ko padin yun--
Nagulat ako nung biglang pumatay ang tugtug. Binukas ko yung isang mata ko at tiningnan kung sino ang pumatay ng tugtug.
Muli kong pinikit ang mata ko. Pero nagulat ako nung may biglang kumuha ng earphones ko.
"Ano ba problema nyo ha?" Tanong ko sakanila. "Eh, Sophia naman eh. Wag mo na kaming ipapa-expell oh. Promise namin sayo na magiging mabait na kami sayo."
Iniwasan ko sila ng tingin at tinignan ang mga ulap sa langit.
"Okey. But in a one condition." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa bintana.
Narinig ko silang sabay sabay napabuntong-hininga.
"Ano yun?"
"Idelete nyo muna y-yung p-picture namin n-ni..argh! Basta! Idelete nyo na yun kundi aalis na ako dito." Sabi ko.
"Huh? Eh na-delete na namin yun eh." Sabi ni Ayena.
"Whee? Ako maloko nyo?" Mataray kong sabi. "Sige na nga! Ito na po leader! Ipapakita ko na po sa inyo na idedelete ko na." Sabi ni Denise.
Pinakita pa niya sakin yung OA nyang pag pindot ng delete sign.
Napairap na lang ako sabay iwas na naman ng tingin.
"Oh ayan na. Ano pa po yun, mahal na reyna." Sabay sabay nilang sabi.
"Wala. Tumigil na nga kayo dyan." Sabi ko.
"Ah hindi pwedeng isa lang. Para fair, kami naman."
Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sakanila. "FYI! Hindi ako pinapaboran noh! Ako nga ang dapat magbibigay sa inyo ng pabor!" Sigaw ko sabay iwas. Na naman. Ng tingin.
"Mali yung iniisip mo, Sophia. Ang ibig naming sabihin, kami ang magpapabor. At kami rin ang gagawa."
Napalingon tuloy ako sakanila ng wala sa oras at unti-unting nanlaki ang mga mata ko.
"Ano na naman yang naisip ninyong kabaliwan sakin ha?" Mataray kong sabi.
Pero ano ang reaksyon nila? Ayun nakangiting-aso lang.
Ano na naman ang iniisip ng mga gaga na 'to?
"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin? Kung isa-isahin ko kaya kayong iuntog-untog?" Mataray kong sabi.
Pero ganun parin ang itsura nilang apat. Hayss. Mga baliw talaga.
Napairap na lang ako at tumayo at inayos yung earphones ko at linagay sa bag at sinaklay sa balikat.
Sabagay, boring na naman ang leksyon ng mga BORING kong SUBJECTS TEACHER.
Aalis sana ako nung bigla silang lahat na sumigaw ng,
"Kyaa!! Andyan na yung Baby Nathan natin!"
"Kyaa! Ang gwapo talaga nya kahit kelan!"
"Kaya nga heartthrob yan kasi ang gwapo nya eh!"
"Tama ka yan, girl! Gwapo na cute pa! Kyaa!"
Napatakip na lang ako ng tenga ko sa sobrang ingay ng mga babae dito sa room namin.
Tss. Asa naman sila na papansinin sila ng Nathan na yan.
Kahit na sabihin nilang gwapo, cute, at kung ano ano pa yang Nathan na yan, hinding-hindi sila papansinin nyan.
Nanlaki na lang ang mata ko nung nakita ko siya sa pinto at alam nyo yung ekspresyon nya?
Ayun. Blanko lahat.
Iniwasan ko sya ng tingin at dire-diretsong lumakad nang hindi man lang nakatingin sakanya.
Nagulat ako nung binanggan nya lang ako kaya napatakilid ako.
Nakayuko lang ako habang nakatakilid. Eh paano naman ako makakadaan na nakabara sya sa dinaraanan ko di ba?
Tahimik lang ang buong room namin. Kahit yung mga babae na kakasigaw kanina ay natahimik na rin.
"Sorry..." Mahinang sabi nya. Mas lalo pa akong napayuko sa sinabi nya.
"Sorry. I don't need your explanation." Sabi ko sabay diretso nang lumakad.
Humarap kasi sya sakin so free na akong lumakad.
Wag ka nang mag-sorry, Nathan.
Dahil huli ka na sa balita...
Hindi na ako naapektuhan sayo...

BINABASA MO ANG
Someone Like You || Kim Taehyung
FanfictionA Kim Taehyung Fanfiction NOTE:This will be a taglish version Just READ it--Just DO it Hope you like it. Date started : Nov. 21, 2016 Date finished : ...