18 : No title

619 25 0
                                    


Sophia's POV

"Okey ka na ba?" Nag-alala niyang tanong.

Napalingon agad ako sakanya. "Ikaw nga dapat ang tanungin ko ng ganyan eh." Sabi ko.

Napangisi na lang siya. "Okey na ako. Ikaw?" Tanong niya.

Napayuko lang ako at di sinagot ang tanong niya. Hinawakan niya yung pisngi ko.

"Ah..." Sabi ko kaya linayo niya yung kamay niya sa pisngi ko.

"Masakit parin ba?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko pero dahan dahan lang.

"Mapula pa ba?" Tanong ko. "Oo. Humanda lang talaga siya kapag nagkita ulit kami."

Napalingon agad ako sakanya. "Ano ang gagawin mo kapag nagkita ulit kayo?" Tanong ko.

Tinignan niya ako. Seryoso.

"Gagawin ko yung ginawa niya sayo." Sagot niya. "Pfft! Hahaha!" Napatawa tuloy ako ng wala sa oras.

Ang seryoso niyang mukha ay nagpalit sa pagka-poker face.

"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong niya.

"Eh bakla na ang tawag nun, Niel eh! Haha!!" Sagot ko sakanya.

Pero nagulat ako nung bumigla siyang seryoso.

"Alam ko pero iba na kapag ikaw na ang nasa usapan.." Seryoso niyang sabi.

Natahimik tuloy ako. Di ko alam pero biglang uminit ang buong paligid namin dito sa clinic.

Di ko alam kung ang aircon ng clinic na 'to ay biglang uminit o ang mukha ko lang ang uminit?

Mabuti na lang at di niya mapapansin na namumula yung pisngi ko dahil sa sugat ko.

"O? Namumula siya." Asar niya sakin sabay tusok tusok sa tagiliran ko.

"A-ako namumula? H-hindi noh!" Utal utal kong sabi.

"Eh kung hindi ka namumula, bakit ka nauutal?" Tanong niya habang nakangiti.

Here he goes with his sweet smile..

"Eh sy-syempre, ang nauutal, nauutal!" Bawi ko din sakanya.

Pero di ko alam kung saan ko yun nakuha.

"Pfft! Hahahaha!" Ngayon siya naman yung tumawa. Tinignan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin pero tuloy tuloy parin siya sa kakatawa.

Nakahawak pa nga sa tyan ang baliw. Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa malayo.

Pag-angat ko palang ay una ko na siyang nakita. Napatigil tuloy ako nung napansin kong nakatingin siya sakin. All the time.

So, kanina pa pala siya nakatingin sakin? Nakita niya ba akong tumawa? Nakita niya ba akong namula?

Di ko na lang siya pinansin at nakipag-kwentuhan na lang kay Niel.

Ang sarap niya kasing makasama. Ang sarap niyang makipag-kwentuhan.

Pakiramdam ko tuloy ang gaan na ng loob ko tuwing kasama ko siya...

Nathan's POV

"Okey ka na ba?" Di ko na lang pinansin si Stacey at tinitigan ko lang siya.

Ang sakit....

Ang sakit ngayong may kasama siyang iba. Pakiramdam ko pinagpalit na niya ako sa iba.

Narinig ko syang tumawa. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

I miss her sweet laugh and her sweet smile..

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon