21 : Feelings

596 31 5
                                    


Sophia's POV

Dumaan ang ilang araw ay palagi ko syang nakakabangga and he is always stuck on this word.

"Sorry."

Di ko na lang sya pinansin at patuloy lang ako sa pag-sketch. May talent naman pala ako.

Akala ko wala. Wala kasi akong tiwala sa sarili ko.

Muli kong kinulumos yung papel at tinapok yun kung saan saan.

Wala naman akong pake. Sinipa ko yung mesa sa unahan at binalik ko sa sahig ang paa ko.

Pinag-krus ko yung mga braso ko sa dibdib ko. Lahat naka-atensyon sakin.

"Oh? Ano titingin-tingin nyo dyan?" Mataray kong sabi saka ko sila inrapan isa't-isa.

Napayuko lang silang lahat. Dapat lang. At dahil absent si Sarah ay tumabi yung Nathan na yun at naghingi ng sorry.

Tsk. Lakas makatabi neto. Eh lahat nga ng estudyante dito sa buong Twixx Academy ay hindi ako tinatabihan o nakikipag-kwentuhan man lang. Except sa mga girls ko.

"Sophia..."

Napalingon ako sakanya. "Anong kailangan mo? Sabi ko di ba wag mo nang banggitin ang pangalan ko kahit kelan."

Tsaka ko sya inirapan. "Sophia, sorry."

Sa inis ko ay napatayo ako at hinampas ko yung palad ko sa mesa ko.

"Ano bang kailangan mo ha?! Sabi ko nga wag mo akong tawaging Sophia kasi hindi na ako yung Sophia na kilala mo! Ako si Miel! Miel ang pangalan ko! At bakit ka nagso-sorry? Araw-araw mo akong sinasabihan nyan ah?"

Napatayo din sya para ka-level nya ako. "Sorry sa mga nagawa ko. Sorry sa mga kagaguhan ko. Sorry kung nasaktan kita. Kaya please, bumalik ka na sakin. Gagawin ko ang lahat, magbabago na ako, bumalik ka lang sakin. Please, pinagsisisihan ko yung mga nagawa ko sayo dati."

"Magbago?! Ang alin, Nathan?! At talagang pagsisisihan mo ang nagawa mo sakin dati kasi dati na kitang kinalimutan! Iniwan mo ako sa ere kaya iniwan ko rin sa ere yung pagmamahal ko sayo!"

Lahat atensyon samin. Wala naman akong pake. Saka araw-araw naman sila ganyan eh. Ano pa ba ang magagawa ko? Eh mga tsismosa.

"Please, Sophia." Pagmamakaawa nya.

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!--"

"Miss Garcia and Mister Reyes! Go to the principal office, now!"

Napalingon ako kay Sir atsaka binalik ang tingin kay Nathan.

Tsaka ako lumakad palabas ng room.

-----

"Ano bang ginagawa mo, Sophia?!"

Naiinis na sabi ni Tita France. Andito ako ngayon sa principal office kasama yung Nathan na yun.

Di ako nakatakas kasi hinawakan ako sa wrist ko ni Sir.

Pinag-krus ko ulit yung mga braso ko sa tapat ng Tita ko habang yung legs ko ay nakapatong sa legs ko.

"Tita, wala naman akong ginawa. Pinagsasabihan ko lang 'tong katabi ko." Madiin na sabi ko.

Wala na lang nagawa yung Tita ko kaya napabuntong-hininga na lang sya.

"Can I get out, Tita?" Pa-sweet kong sabi. Napabuntong-hininga ulit si Tita.

"Don't do it again, okey?" Tanong nya. Tumango lang ako atsaka sya tumango. "Okey. Go. Mister Reyes please stay. Mag-uusap lang tayo sandali."

Natuwa ako na para bang nanalo ako sa lotto. Tumayo agad ako atsaka ko inirapan yung katabi ko.

Tsaka ako lumabas ng principal's office. Mabuti na lang at hindi ko sya makikita.

Napangiti ako sa sarili ko.

Dyan ka magpapalipas ng buong hapon, my dear.

------

Napaiyak ako ng iyak nung binigyan ako ng advice ni Niel.

"Shh. Tahan na." Saka nya ako kinomfort. Mabuti na lang at nandito si Niel. Kung wala sya, baka ano na ang nangyare sakin.

Tinanong ko kasi sya kung ano na ang nangyayare sakin.

Kung may nagbago ba sakin? Oo raw. Maraming nagbago sakin. Yung katangian ko, yung attitude ko, yung mukha ko at higit sa lahat, yung ugali ko. Lahat na meron ako dati ay nagbago dahil lang sa isang tao.

At ngayon ko lang pala napansin na malapit na yung 2nd monthsarry namin, malapit na yung birthday ko at malapit na pala yung activities namin sa Baguio.

Tinanong ko sya kung kailan na yun. Pero bago pa yun ay pinahid ko muna yung luha ko at tinulungan nya ako.

"Niel, kailan pala yung activitied natin na magaganap sa Baguio?" Tanong ko.

"Ah yun? Sa Febraury 14. Di ba yun yung birthday mo?"

Tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala..

Valentine's Day. Sa Valentine's Day yung birthday ko, yung monthsarry namin at activities namin sa Baguio.

Kaya pala sweet ako. Pinipilit ko kasi si Mama nung bata pa ako kung bakit ako palaging sweet. Yun lang pala.

Kaya pala tuwing birthday ko ay may nakikita akong maraming puso sa loob ng bahay namin. Kasi Valentine's Day pala.

Marami pa kaming pinag-kwentuhan ni Niel.

At dun ko lang napansin na ang gaan na pala ng loob ko tuwing kaharap ko sya.

At sa bawat ngiti nya ay ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko.

Gaya ng dati na nararamdaman ko sakanya.

Oh noes. Bumalik na ba yung pakiramdam ko sakanya dati?

Ngayon ko na pala napatunayan na wala na akong nararamdaman pa kay Nathan kasi lahat ng pagmamahal ko ay bumalik sa kaharap ko ngayon.

-----

A/N : Sorry kung napakaikli. Ano na pala ang nangyare kay Sophia?

Bunalik na ba yung nararamdaman nya para sa bestfriend nya? Magkakatuluyan ba sila pagdating ng tamang panahon.

Pero paano na si Nathan? Maiiwan na ba sya sa ere?

Abangan lahat ng yun dito sa love story nila Nathan and Sophia.

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon