25 : Akin ka na lang, mine

564 30 0
                                    


Sophia's POV

Bukas na yung activities namin sa Baguio pero mukhang excited na sila kung ano na ang magiging journey namin duon.

And sinabi ko ba sa inyo na kahit birthday ko hindi ako excited? Eh kasi wala namang kwenta yung birthday ko bukas eh.

Walang magbabati, walang magsu-surprise, at wala rin yung taong kailangan ko.

Di ko sure kung pupunta sya duon pero alam nya yung birthday ko.

At andito ako ngayon sa rooftop, kinakabahan.

At bakit ako kinakabahan?

Kasi ngayon ko na sabihin sakanya lahat ng mga nararamdaman ko mula harap-harapan.

Sana wag nya akong iiwasan kapag sinabi ko sakanya ang lahat ng gusto ko isabi sakanya dati pa.

Napalingon ako sa likod ko at tinignan ang pinto ng rooftop pero wala parin sya.

Asan na kaya sya ngayon?  Sa isip ko.

Napaharap ulit ako at nasinagan ako ng araw kaya tinakpan ko yung mata ko ng isang palad ko.

Pero pag alis ko ay nakita ko na yung taong hinihintay ko dati pa.

At ngayon ko lang napansin na sya pala ang nag-alis ng palad ko sa mata ko.

"Hello Miss Beautiful." Nakangiting sabi nya. Uminit tuloy yung mukha ko.

Napatawa lang sya. "Huwag ka nang mahiya. Tayo na lang ang nandito." Sabi nya at umupo sa harapan ko.

"Niel, bakit kapag kasama natin yung mga girls ko, bakit tayo nahihiya? Pero kapag tayo na lang dalawa, hindi?"

Napalingon sya sakin tsaka sya bahagyang ngumiti at tumayo sya at tumabi sa tabi ko saka nya kinuha yung kamay ko.

Medyo namula yung pisngi ko pero nawala agad yun.

"Dahil sa close tayo. Dahil sanay tayo na tayong dalawa lang ang magkasama."

Napalingon ako sakanya at nagulat ako nung isang distance na lang maghahalikan na kami.

Gusto ko mang umiwas pero di ko magalaw ang ulo ko kasi nakatitig lang ako sa mga mata nya.

Na para bang mina-magnet ako nang mga mata nya na wag raw ako iiwas ng tingin sakanya.

"Niel...."

Nagulat ako nung inalis nya yung buhok ko at linagay yun sa likod ng buhok ko.

Saka nya ako hinawakan sa leeg ko. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.

"Sophia may sasabihin ka ba?" Seryosong sabi nya habang nakatitig lang sa mga mata ko.

Lihim akong napalunok saka ko binuka yung bibig ko at nagsalita.

"Niel, ngayon ko lang sasabihin ko sayo at, sana pakinggan mo ako."

Napatigil muna ako at ibubuka ko sana ang bibig ko nang linayo nya yung mukha nya sa mukha ko.

"Lalayo muna ako para makasabi ka nang diretso." Sabi nya habang nakangiti.

Nginitian ko din sya pero tipid lang kasi 'tong baliw kong puso, parang may humahabol na cheetah dito kasi ang bilis ng takbo dahil sa mga ngiti nya.

"Uhmm, Niel."

"Yes, my lady?"

Napatawa agad ako sa sinabi nya. "Oh bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Hindi nakakatawa yung sinabi mo, ang nakakatawa lang ang mukha mo! Hahaha!!"

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon