Sophia's POVHabang naglalakad kaming lima patungo sa sarili naming room ay ganun pa din ang turing ng mga estudyante sakin.
Nakita ko si Stacey. At wow lang ha. Meron na siyang bagong mga alipores.
Inirapan ko na lang siya at nag pokus sa paglalakad.
Habang naglalakad ako ay saktong binanggaan ako ni Stacey.
"Ano ba?! Pwede ba, tignan mo muna ang dinadaanan mo?!" Inis na sigaw ko sakanya.
"Wow ha. Ang bago na namang reyna. Eh ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo eh!" Sigaw niya din sakin.
"Sumusobra ka na ah!" Sigaw ko at balak ko sanang sugurin siya pero may pumigil sakin.
"Wag mo muna siyang patulan, bes." Sabi ni Ayena. Kumalma na din ako atsaka binalik ang tingin kay bruha.
"Haha! Pikon agad ang reyna." Sabi niya habang lumalakad palibot sa harap ko.
"Hoy ikaw. Wag ka na ngang mag-acting. Hindi ka na yung reyna ng mga bad girls kaya wag ka nang magpanggap." Sabi ko.
Pero inirapan niya lang ako. "So? Pwede naman ako ULIT noh?" Mataray niyang sabi pero hindi ko na pinalagpas.
*Pak!*
"Ouch! How dare you touch my beautiful face!" Sigaw niya habang hawak hawak ang pisngi niya.
"Beautiful face mo mukha mo! Eh para ka ngang multo na over kaka-make up! Beautiful ba yan?" Tanong ko.
"Hindi!!" Sigaw ng mga estudyante. Inirapan niya lang yung mga estudyante at humarap sakin.
"Aba, tandaan mo, bagong baliw. Hindi ka pa tapos sakin!" Sigaw niya habang turo turo niya ako.
"So? Wala akong pake. At ikaw? Magiging reyna ng mga badgirls? Ulit? Haha! Nakakatawa lang." Sabi ko.
"Aba sumusobra ka nang baliw ka ah!" Sigaw niya saka sinugod ako.
Napaiwas agad ako saka ko siya sinabunutan. Bagay yan sayo, b1tch!
"Ah tama na!" Sigaw niya. "Ah! Ikaw yung susugod pero ikaw din pala ang unang sumuko? Ha. Wala ka naman palang kwenta eh." Sabi ko sabay higpit pa lalo sa buhok niya.
"Tama na please! Nagmamakaawa ako sayo!" Sigaw niya.
Ngumisi ako pero may biglang bumangga ng kamay ko kaya nabitawan ko yung buhok ng bruha.
"Hoy! Ikaw lalake! Wag ka ngang--" Napatigil ako nung nakita ko siya.
"Boyfie!" Sigaw ni Stacey sabay lapit sakanya.
"Bakit ka ba laging sumasakit ng tao, Sophia? Pwede ba? Itigil mo na!" Sigaw niya.
Pero hindi ko padin inaalis ang tingin ko sakanya. "Okey ka lang?" Tanong niya kay Stacey.
Pero ang ikinagulat naming lahat...
Hinalikan niya si Nathan. Bwiset na bruha na yan!
"Ano yun, Stacey?!" Sigaw ni Nathan nung kumalas sila.
Pero tiningnan lang ako ni Stacey kaya napalingon din sakin si Nathan.
"Ang sarap halikan ni Nathan noh?" Nakangising sabi ni Stacey.
"Stacey, pwede ba?!" Naiinis na sigaw ni Nathan sabay pilit niyang inaalis ang kamay ni Stacey na nakapulupot sa braso niya.
"Sophia, wag kang mag-isip ng kung ano--"
"Wala naman talaga akong iniisip tungkol sa halik na yun! Yuck! Nakakadiri. Sa harapan ko pa naman?" Nadidiri kong sabi sabay talikod.
"Bes.." Sabi ni Ayena pero nginisian ko lang silang apat.

BINABASA MO ANG
Someone Like You || Kim Taehyung
FanficA Kim Taehyung Fanfiction NOTE:This will be a taglish version Just READ it--Just DO it Hope you like it. Date started : Nov. 21, 2016 Date finished : ...