31 : Solo

555 26 0
                                    


Sophia's POV

"And...here we go.." Saka tinanggal nya sakin yung pantakip.

Saka parang may sumabog na kung ano.

Napangiti ako at napaluha sa nakikita ko ngayon.

"Happy birthday, Sophia!!"

Napatakip ako ng bibig at patuloy na umagos yung mga luha ko.

"Oh? Ba't ka umiiyak?" Nasa harap ko na pala si Ayena na nakangiti na may halong alala.

"Ayena~~!!"

Tsaka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Thank you!!" Parang bata na sabi ko.

"Welcome!!" Napatawa na lang kami at kumalas na kami ni Ayena at inayos nya yung buhok ko.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday dear reyna!"

Paulit na paulit na sabi nila. Yung mabilis na happy birthday yung kinanta nila. Napatawa ako sa huling sinabi nila.

"Happy birthday, Sophia!!"

Napalingon ako sa likod ko at napansin kong si Nathan ang may hawak ng cake.

Napatingin muna ako sa mga mata nya at nagulat ako nang ngumuso sya sa cake at nagsalita.

"Wish muna." Sabi nya kaya napapikit ako atsaka humiling.

Sana hindi na ako masaktan pa..

Tsaka ko minulat ang mga mata ko saka ko inihipan ang candle.

"Yeey!!" Tsaka pumalakpak yung mga kaklase ko atsaka niyakap ko si Ayena at yung tatlo ko pang bestfriends.

"Yeey!" Sigaw ko at di ko mapigilang yakapin si Nathan.

Napatawa kaming dalawa.

"Happy birthday.." Bulong nya.

Kumalas ako at tinignan sya na ngayo'y nakangiti.
"Thank you.." Nakangiti lang kaming dalawa habang nakatingin sa mga mata naming isa't-isa.

"Okey tama na yan! Kainan na!" Napalingon ako kay Ayena at napalingon ulit kay Nathan saka kami tumawa.

Hinawakan nya yung beywang ko at pumunta kami sa lamesa na puno ng mga pagkain...

-----

Nung tapos na ako at tinawag ako ni Ayena.

Napataas ako ng kilay at nagsalita. "What?"

"Halika muna." Tsaka nya ako hinawakan sa wrist ko at dinala kung saan walang tao.

"Bakit? Ba't dito tayo uusap? Dun na lang kaya tayo." Sabi ko.

Pero sya lingon ng lingon. Kaliwa kanan. Kaliwa kanan.

"Bakit?" Tanong ko ulit. Napalingon sya sakin at dun na nagsalita.

"Bes, di mo ba yun nalaman?"

Napakunot-noo ako saka napataas ng kilay.

Anong pinagsasabi neto? Ano kayang nakain nya?

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

"Yung kanina!"

"Kanina?"

"Nung tapos mong ihipan yung cake, may naramdaman ka bang may humawak sa beywang mo?"

Napakunot ulit ako ng noo.

"Wala?" Nagtataka kong sabi.

Sandali lang, meron nga ba?

"Di mo ba naramdaman?"

"Naramdaman na ano?"

"Na hinawakan ka sa beywang ni Nathan nung pagkatapos mong ihipan ang cake!"

Natigilan ako. At dun ko lang nalaman na hinawakan pala ako no Nathan sa beywang.

Uminit ang buong mukha ko atsaka sumigaw.

"Waaahh!!!" Sabi ko habang tumatakbo palibot sa harapan nya.

"Bes! Ba't di ko yun naramdaman?"

Sya naman yung napa-poker face.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Sarili mo kaya, tanungin mo."

Napatingin ako sa sarili ko.

Sarili, ba't di ko yun naramdaman?

"Bes!" Tsaka ko sya niyakap.

"Alam mo, paminsan nagiging tanga ka rin ano?"

Napakalas ako sa pagyakap sakanya.

"Tanga? Ako?"

"Oo! Alam mo ba yun?"

Napayuko ako at napapikit ng mariin.

Siguro nga...

Pagmulat ko at nawala si Ayena sa harapan ko.

Linibot ko yung tingin ko at hinanap nang mga mata ko yung bruha na yun.

Nagsimula na akong lumakad para hanapin sya pero hindi ko sya nahanap muli...

Nathan's POV

Hinahap ko ngayon si Sophi pero kanina ko pa syang hindi nakikita.

"Sophia?"

Asan ka na, Sophia?

At saktong nakita ko siya.

Parang may hinahanap sya na parang ewan.

Hindi ko na lang sya muna nilapitan at tinitigan na lang sya na may hinahanap.

Napatawa ako nung nagsalita sya. Sa sarili nya.

Baliw....

At nung nakita nya ako ay lumapit agad sya sakin at nagtanong.

"Nathan, nakita mo ba si Ayena?" Tanong nya.

"Oo."

Kahit hindi naman...

"Pwede mo ba akong dalhin sakanya?" Tanong nya.

Di ko na sya sinagot at diretso ko syang hinawakan sa kamay at hinila sa special place na nalaman ko kanina lang.

Hihiramin muna kita, Sophia.

Sosolohin muna kita..

Kahit ngayon lang...

------

A/N : So sorry for the late update.

And sorry for the short update.

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon