Prologue

22 0 0
                                    

"Anong magagawa ko Kiro? Nagmamahal lang ako nang taong hindi ako magawang mahalin. Nakakapagod na sobrang sakit yun bang gusto ko nang sumuko. Sumuko na mahalin ka" sabi ko sa kanya habang pinpigilan ang luhang gusto nang pumatak. Lumapit sya patungo sa kinaroroonan ko. Tumayo lang sya sa harap ko habang ako nakayuko.


"Natatakot akong mahalin ka, natatakot akong mangako. Pero ang mas higit kong kinatatakutan ay ang mawala ka. Ayoko nang maiwan Mel, ayoko nang masaktan, at ayokong sumuko ka Mel. Melissa Alice Alvarez, please don't give up on loving me" lumuhod sya sa harap ko at tuluyan nang pumatak ang mnga luhag kanina ko pa pinipigilan.

"Mahal na Mahal kita Kiro, alam mo yan simula pa nang bata tayo. Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka. Kahit na si Kath lang ang pinapangarap mo. Pero hindi kona kaya" hindi ko parin mapigilang umiyak. Tatayo na sana ako nang tumayo sya at niyakap ako nang napaka higpit, 

"Please stay Mel" bulong niya sa akin. Nararamdamn ko ang mnga pagpatak nang bawat luha niya. Tinggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at naglakad patungo sa pintuhan nang bahay nila.

Bago ako maka alis nang tuluyan nilingon ko sya nang saglit "Im giving up on loving you" at tuluyan nang lumabas.




Loving Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon