This story is dedicated to my 3rd fan :D salamat sa pagiging fan..Please spread:)))
READERS!!!!!!!!!!
Pasensya po kung natagalan...huhu
Ang Bagal ko...hmpf :(
Laging Busy eh...
Btw Guys!!! Eto na po...with JulNiel moments na!! :D
Vote!!Comment!!Like!!
Become a FAN!!! :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi........hindi......." nagsalita si Julia habang natutulog. Nanaginip na naman siya. Simula ng mamatay ang kuya niya at sinisi siya ng mommy niya ay lagi na lang siyang nanaginip tungkol dito.
"Wala akong kasalanan....Hindi....." umiiyak na siya. Pinipilit niyang ibukas ang mata niya pero parang may kung anong pumipigil dito.
"HINDI!!! HINDI!!! HINDI!!!" this time sumisigaw na siya habang patuloy parin sa pag-iyak. Dahil dito nagising naman si Yaya Trina at dali-daling pinuntahan siya.
"WALA!! WALA AKONG KASALANAN!!" naiiyak na sigaw ni Julia.
"MARA!!" pinipilit ni Yaya Trina na gisingin si Julia. "Anak, gumising ka..." bigla namang siyang sumigaw sa sobrang takot at nagising na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Yaya!!" niyakap niya ang yaya niya. Takot na takot siya sa mga panaginip niya. "Yaya! Wala naman akong kasalanan eh!!" patuloy siyang humihikbi.
"Tahan na anak...Wag kang matakot..nandito si Yaya." Niyakap nito si Julia na parang ina na hindi kayang makitang umiiyak ang anak. Malapit si Julia kay Yaya Trina, sanggol pa lang siya ay si Yaya Trina na ang nag-aalaga sa kanya. Itinuring niya ng ina ito, kapag may problema siya laging nandyan ang yaya niya para makinig at damayan siya. Hindi kasama ni Julia ang pamilya niya dahil nagpasya siyang tumira sa isang bahay na malayo sa mga ito.
Matapos ang ilang minuto, nahimasmasan na din naman si Julia. Bumalik na ang Yaya niya sa pag-aasikaso sa kanilang almusal. Kahit na masama ang pakiramdam minabuti ni Julia na pumasok sa akademya sa pag-iisip na kahit pansamantala man lang ay makalimutan niya ang mga masasamang panaginip na napapanaginipan niya.
......................................................................................................
[Julia's POV]
Habang naglalakad sa hallway buong-buo pa rin ang pangyayari sa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
My Life In High School (On-Hold)
Novela Juvenilthis story is not about just love..its also about family, friendship and trust... ano kaya ang mangyayari kapag may nakaalam na sa tunay na pagkatao ni Julia Montes. Babalik pa rin ba sa dati ang lahat or will change something she never expect to c...