Chapter 3

22.9K 103 43
  • Dedicated kay Melchie Estante and Msyoshielaine
                                    

Chapter 3

Author's Note: Please play the music video on your right side while reading this chapter. Please turn it on now. Thanks.

   "Jade, please I need you to say yes," nagmamakaawa ang mga mata nitong naghihintay ng sagot niya.

   Diyos ko po tulungan ninyo ako sa gagawin kong desisyon. Sana tama po itong gagawin ko sa relasyon namin.

   "Andy, please listen to me. What I'm about to tell you will require deep understanding on your part. Napakahirap para sa akin ito pero hindi ko pa matatanggap ang alok mong kasal," nagsusumamo niyang wika sa katipan. 

   Parang bomba itong sumabog sa pandinig ni Andy. Kumunot ang noo nito, umiling-iling na parang hindi makapaniwala sa narinig at nagtagis ang mga bagang. Sa tingin niya ay nakikipagbuno ito sa sariling damdamin upang magkaroon pa ng mahabang pasensya. 

   Maya-maya ang sumenyas ito sa mga waiters at musikero para iwanan sila ni Jade.

   "Bakit?" mapait na tanong nito pagkaraan ng mahabang katahimikan sa pagitan nila.  Bakas sa mukha nito ang matinding paghihirap ng loob.

   "Andy, na-approved na ang working visa ko sa US. Matagal kong hinintay ang opportunity na ito para makatulong sa mga magulang at kapatid ko," halos pabulong niyang paliwanag sa nobyo.

   "Paano tayo, Jade. Itatapon mo na lang ba ang relasyon natin?" kalmadong ngunit madiin ang tanong nito, nasa mga mata nito ang pag-aakusa.

   "P-please Andy huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Just give me one year to save and help my family tapos pwede na tayong magpakasal," nagmamakaawa niyang sabi kay Andy.

   Napahugot ito ng malalim na hininga, isinuklay ang isang kamay sa buhok. Kitang-kita niya ang paghihirap ng loob nito. Pagkuwa'y tinitigan siya ng malalim at saka nagsalita. "Jade, buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi. Marami na akong naka-relasyon pero never na naramdaman ko ang ganitong klaseng pagmamahal. Kakayanin kong magtiis huwag ka lang mawala sa buhay ko. So pumapayag na ako pero mangako ka sa akin, pagkaraan ng isang taon sa America ay babalik ka dito para magpakasal tayo."

   "Oh Andy, thank you for understanding," napaluha siya sa tindi ng emosyon na gustong humulagpos. Napayakap siya sa nobyo ng mahigpit.

   "I love you so much, Jade it hurts like hell," usal nito habang nakayakap sa kanya.

   "I love you, too Andy"  halos pabulong niyang sambit.

   "Oh God, I will miss you terribly," sabi nito at saka inangkin ang kanyang mga labi. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagtugon sa mga maiinit na halik nito.

   Hindi niya namalayan na pinangko na siya ni Andy para dalhin sa isang silid. Hindi lamang minsan o dalawang beses sa buong magdamag na ipinaramdam ni Andy ang init ng pagmamahal nito sa kanya.

    Araw ng lipad niya papuntang New York City, tahimik si Andy katabi ng mga magulang niya na kanina pa umiiyak. Sumama lahat ang mga kapatid niya sa airport.   

   "Jade, anak huwag mong pababayaan ang katawan mo doon. Kakain ka ng maayos at dapat sa oras," bilin ng nanay niya.

   "Ate Jade, huwag mong kakalimutan ang bilin kong shoes ha," singit ng bunso niyang kapatid na si Kristin.

   "Ate, skype tayo parati," nakangiting sabi ni Julia.

   "Basta anak, huwag kang makakalimot magdasal parati," ani Mang Ben, ang ama ni Jade.

   "Kayo naman, isang taon lang naman akong mawawala" dinaan niya ito sa biro para hindi siya maiyak. 

   Nasulyapan niya si Andy na tahimik lang sa isang tabi. Lumapit si Jade dito.

   "Andy, I love you. Pangako, babalikan kita para pakasalan isang taon mula ngayon," saad niya sa malambing na boses.

   Huminga ito ng malalim. "Jade, I will hold you to that promise. Iyan lang ang magbibigay sa akin ng lakas ng loob. I will miss you," nangungusap ang mga mata nito.

   Iyon lang at tuluyan ng kumawala ang pinipigilang mga luha ni Jade.

********Whew, so my dear readers what do you think of Jade ang Andy? Please let me know. :)

Twitter Account @gidgetwitty for updates.

   

   

   

   

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon