Chapter 23
"It is so good to see you again, Andy" masayang bati ni Brenna Castillo.
"Oh hi!" ganting-bati ni Andy. "This is Brenna, the cousin of Mark's girlfriend. And this is my wife, Jade," pakilala ni Andy sa dalawang babae.
"Please to meet you, Brenna" nakangiting sabi ni Jade sabay abot ng palad.
"Ah your wife!" matalim nitong tiningnan si Jade ng patago saka inabot ang palad. "Nice to meet you Mrs. Wu."
"Sige Brenna we have to go, nice meeting you again." Pagkatapos magpaalam ay saka inakbayan si Jade para lumisan sa lugar na iyon. Bago pa makagpasalita uli si Brenna ay nakaalis na ang mag-asawa.
Nagngingitngit na tiningnan ni Brenna ang dalawang nagmamadaling lumayo sa kanya.
"Andy, bakit ka nagmadaling umalis. Nakakahiya kay Brenna," nakakunot ang noong sabi ni Jade.
"Sweetheart, I can feel that she's a big T for us. Hindi pinag-aaksayahan ng panahon ang mga ganoong klaseng babae," kaswal nitong sagot.
"Masyado ka naman!" wika ni Jade.
"Don't worry about her, Jade. Anyway, saan mo gustong kumain pala?"
"Gerry's Grill," mabilis nitong sagot.
"Then Gerry's Grill it is," nakangiting wika nito.
"I'm so full, Andy. Hanggang leeg na yata ang kinain ko," natatawang reklamo ni Jade habang hinihimas ang leeg.
"Siguradong masaya si baby dahil busog," malambing niyang sabi.
"Baka kamo nag-iisip na matakaw ang mommy niya," napahagikgik si Jade.
"Hmm, siguro nga," biro niya. Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko lalo na pagtumatawa.
"Kumusta na pala si Lucille? Hindi ba siya nahihirapan sa pagbubuntis?" naalala niyang itanong.
"Naaawa nga ako sa kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi alam kung ano ang gagawin. Natatakot sabihin sa nanay niya ang kalagayan niya dahil conservative ang pamilya nila pero at the same time hindi raw siya sigurado sa feelings ni Luke sa kanya kaya ayaw magpakasal. Balita ko rin nahihirapan din siya sa pagbubuntis ngayon.
"Mahirap nga ang situation niya. Bakit hindi mo yayain na umuwi na lang muna dito. Pwede ko siyang ipasok sa St. Claire Hospital, sa administrative department para hindi siya mahirapan habang buntis siya."
"Talaga Andy! Pwede mo siyang ipasok? Excited na ako, makakasama ko na naman sa work si Lucille," nagniningning ang mga mata ni Jade sa kasiyahan.
"Sweetheart, pwede bang pagkapanganak mo na saka ka mag-isip ng trabaho uli?" tahimik niyang sabi.
"Andy! Okay naman ako," tanggi niya. "Beside sabi ng doktor hindi naman delikado ang pagbubuntis ko ngayon."
"Jade, please naman pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang please," nagsusumamo niyang wika.
Matagal na hindi kumibo si Jade. Masasalamin sa mukha nito ang sari-saring emosyon. Pagkadismaya, inis, takot, pag-alinlangan, pag-asa.
"Jade?" untag niya.
Napabuntung-hininga ito ng malalim. "Okay, Sweetheart. Payag na ako pero oras na makapanganak ako babalik ako sa trabaho at mas gusto ko ang bedside kaysa administrative work."
"Noted, Jade," hindi maitago ni Andy ang paghinga ng maluwag sa desisyon ng asawang huwag magtrabaho muna habang buntis.
"Dalawin mo na natin sila Mama at Papa bago tayo umuwi sa bahay," mungkahi ni Jade nang palabas na sila ng mall.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)
FanfictionWhen two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Please visit and like this page www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty Thanks!