Chapter 2
Hanggang sa makarating sila sa apartment na inuupahan ni Jade at ng kapatid nitong si Julia ay wala pa ring imikan sa loob ng kotse ang magkasintahan. Pinatay ni Andy ang makina ng BMW at saka humarap kay Jade.
"I really want you to reconsider my offer, Jade. I can help them with their tuition fees and other school expenses. Walang masama kung tatanggapin mo ang tulong ko dahil parang kapatid na rin naman ang turing ko sa mga kapatid mo."
"Andy, please drop the subject," saad nito sa mahina ngunit madiing boses.
Napabuntung-hininga ng malalim si Andy. Alam niya ang ugali ni Jade, she can be stubborn at times. Kahit anong pilit ang gawin niya ay hindi mababakli ang desisyon nito.
"Good night, Andy. Thank you sa pagsundo mo sa akin," tahimik nitong paalam sa nobyo habang binubuksan ang pintuan ng kotse.
"Sweetheart, sandali lang," hinawakan ni Andy ang kaliwang braso nito para pigilan si Jade sa paglabas ng kotse.
Napatingin si Jade sa nobyo, "Bakit?"
"I love you, Jade. Sorry kung medyo naging makulit ako pero gusto ko lang talagang tumulong para hindi ka mahirapan. Lahat ng kaya ko ay ibibigay ko sa iyo, alam mo iyan," seryosong sabi niya habang nakatitig ng mariin sa babaeng pinakamamahal higit pa sa buhay niya.
"I love you so much too, Andy. Ikaw lang ang una at huling lalaking mamahalin ko. And I understand your desire to help me and my family but I really need to do this on my own. Sana maintindahan mo rin," nanghihingi ng pangunawa ang mga matang nakatingin sa nobyo.
Napangiti ng bahagya si Andy. "Iba ka talaga, Sweetheart. Pati mga alahas na nireregalo ko sayo ay ayaw mong tanggapin. Mas masaya ka pa pag- bulaklak o chocolates lang ang mga gifts ko. Lahat ng naging girlfriends ko ay walang problema sa pagtanggap sa mga alahas na regalo ko."
"Girlfriends ha!!! Ilan na ba sila?" pinangdilatan siya nito.
"Sweetheart, hindi ko naman itinago sa iyo na marami akong naging ka-affairs bago ka dumating sa buhay ko. Siyempre lahat iyon ay nabura mula nang pumasok ka sa puso ko," giit niya. "O huwag mong sabihing nagseselos ka pa," nakangiting tudyo niya.
"Naku hindi ah," tanggi nitong nakasimangot.
"Hmm, totoo ba iyan? Halika nga dito," kinabig niya ito at sabay niyakap nang mahigpit. Hindi na tumanggi pa si Jade. Damang-dama nito ang matinding pagmamahal ng nobyo.
"Ate Jade, tumawag po si Nanay kanina. Nagbilin na tawagan mo raw siya kaagad pagdating mo galing sa trabaho," bungad ng kapatid niyang si Julia pagpasok niya sa sala. Hinatid lang siya ni Andy hanggang gate at saka nagpaalam ng uuwi dahil marami pa raw itong tatapusing trabaho.
"Alam mo ba kung bakit?" nagaalalang tanong niya sa bente anyos na kapatid. Maganda rin ito katulad ni Jade, graduating ito ng B.S.Nursing. "Na-low batt kasi ako kanina kaya siguro hindi makatawag sa akin."
"Iyon din ang sabi ni Nanay, cannot reach raw tuwing tatawagan ka niya," ani ni Julia.
"Pahiram naman ako ng cell phone mo, Julia."
"Ito ang cell ko Ate." Ibinigay nito sa cell phone sa kapatid na panganay.
Agad na dinayal ni Jade ang numero sa probinsya.
"Nay, si Jade po ito. Tumawag po raw kayo kanina. Sorry po low-batt po ang cell phone ko," paliwang niya sa ina.
"Jade, anak. May pera ka ba diyan? Kinulang kasi iyong pang-tuition fee ni Kristin. Napakahina ng benta sa tindahan," bulalas ni Aling Talia.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)
FanficWhen two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Please visit and like this page www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty Thanks!