Chapter 39 (Love & Harmony)

14.4K 137 56
  • Dedicated kay Magrazueta Francisco and Jezreel Villamor
                                    

Chapter 39

Please play the music video on the right screen now. Thanks.

   After three years...

   Naging matiwasay ang pagsasama nila Andy at Jade at lalo pang pinatatag ng panahon ang pagmamahalan ng mga ito sa isa't isa.  Lalo ding tumibay ang pagkakaibigan ng mga ito kina Luke at Lucille.  Malimit tuwing linggo ay panauhin nila sa mansyon ang mga De Leon kasama ang iba pang miyembro ng pamilya nila Andy at Jade.

   

   "Daddy, are we going to wake mommy now?" excited na tanong ni Kian sa ama. Mother's day nang araw na iyon at maagang gumising ang mag-ama para dalhan ng breakfast si Jade sa kuwarto. May mga gifts ding naka-ready ang mga ito.

   "Yes, let's go!" nakangiting sagot ni Andy. Hawak ng kanang kamay niya ang tray na may lamang ham and egg, cheese, sliced breads, glass of pineapple juice at nag-iisang red rose na nakalagay sa puting plorera. Sa kaliwang kamay naman ang bag na naglalaman ng dalawang  kahon na nakabalot sa kulay na gintong wrapper. Bitbit naman ni Kian ang isa pang maliit na kahon. 

   "You know what to tell mommy, right?" tanong ni Andy sa bata habang pumapanik sila ng hagdanan.

   "Yes, daddy! Hurry daddy!" apurado nitong sabi.

   "I have to be careful otherwise I might drop this tray and mommy will not get to eat her breakfast," paliwanag niya sa paslit.

   "Okay, daddy," sabi nito na nakakunot ang noo.

   Mahimbing ang tulog ni Jade nang may maramdaman siyang malilit na mga halik sa pisngi at hagikgik ng isang bata. Pagmulat ng mga mata niya ay nakangiting mukha ni Andy at Kian ang nakita niya.

   "Good morning, sleepyhead!" malambing na bati ni Andy.

   "Morning, Mommy! Happy Mother's Day! 

   "Good morning to you both! Ang aga yata ninyong gumising mag-ama?"

   "Happy Mother's Day, Sweetheart!" Inabot ni Andy ang bag sa kanya kasabay ng halik nito sa mga labi niya.

   "Oh, thank you! Ano ito?"

   "Mommy please open it now!" hindi makahintay na utos ni Kian sa ina.

   "Oo nga naman, Jade. Kanina pa iyang batang iyan nangungulit sa akin," natatawang sabi ni Andy. Ginusot nito ang buhok ng anak.

   "Anak, be patient," ani ni Jade.

   "Mommy. I want to see it now!"

   Napailing na lang si Andy sa anak.

   Namangha si Jade nang mabuksan ang kahon na yari sa pelus. Sa loob nito ay nakalatag ang kumikinang na pares ng hikaw, kuwintas, pulseras na may malalaking brilyante.

   "Andy, ang gaganda naman nito!" bulalas ni Jade.

   "Open the other box, mommy!"

   "Saan ba nagmana ang batang ito sa pagkadominante?" natatawang puna ni Andy na nakatingin kay Jade.

   "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" inosenteng tanong niya.

   "Mukhang may pinagmanahan kasi."

   "Aba malay ko sa iyo," irap niyang sabi.

   "Mommy?" naiinip na sabi ni Kian.

   "Oo na, ang kulit mo naman baby!"

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon