Chapter 27

15K 111 52
  • Dedicated kay Kathleen Panares and Nissaenricoso
                                    

Chapter 27

      "Lucille, halika na sabi sa itaas. Mahihirapan kang maghanap dahil sa dami ng wines," pilit na pinipigilan ni Luke ang asawang pumasok sa loob ng wine cellar. Halos naliligo na ito sa pawis.

   "Ano ka ba, Luke? I'm sure makikita ko iyon," nasa may bukana na ng wine cellar si Lucille nang marinig nila ang boses ni Andy sa may pintuan ng basement.

   "Luke, Lucille?" tawag nito.

   Napahinto si Lucille sa labas ng wine cellar.

   "Luke, nandito pala sa bar iyong wine na hinahanap natin," sabi nito sa malakas ng boses.

   "Lucille, tara na sa taas. Wala pala diyan iyong wine."

   "Curious pa rin akong tingnan ang loob."

   "Next time na lang, masyadong malamig dito baka sipunin ka pa," sabi ni Luke. Taliwas sa sinasabi nito ang makikitang ga-munggong butil-butil na pawis sa noo nito.

   "Luke, are you really okay," nag-aalalang tanong ni Lucille. "You are acting really weird right now."

   "I'm perfectly okay," pinunasan nito ang pawis sa noo. "Let's go back upstairs," giniya nito ang asawa pabalik sa may hagdanan.

   Hindi na tumutol si Lucille. Nakakunot ang noo nito habang pumapanik.

   "Sorry ha, nakalimutan ko na nasa bar pala itong wine na hinahanap natin. Naipanik ko pala ito last week nang dumalaw iyong barkada kong si Mark," paghingi ng paumanhin ni Andy sa dalawa.

   "Okay lang iyon, Andy," nakangiting sabi ni Luke. That was a close call! Kailangang makabalik ako sa baba para makausap ko si Fiona bago magka-problema.

   "Excuse me, bababa lang uli ako sa basement nakalimutan ko yatang i-lock iyong wine cellar," paalam ni Luke.

   "It's okay, Luke. Rosa, paki-lock nga ng wine cellar please," utos ni Andy sa katulong.

   "Opo Sir Andy."

   Samantalang sa loob ng wine cellar, yakap-yakap ni Fiona ang sarili sa ginaw. "Naku muntik na kaming mahuli ni Luke. Mahirap na, kailangan maganda ang image ko kay Andy. Baka akalain niya si Luke ang gusto ko. Safe na sigurong lumabas, ang ginaw na talaga dito."

   Akmang tatayo na si Fiona para lumabas ng wine cellar at kunin ang mga damit na naiwan nang marinig niya uli ang mga yapak pababa ng basement. "Punyemas, sino na naman kaya ito!"

   Nagmamadaling bumalik sa pinagtataguan si Fiona. Mamaya lang ay narinig niya ang pag-lock ng pintuan ng cellar. "Ano iyon? Oh nooooo! Please huwag sana iyong iniisip ko."  Sa kamamadali ay natalisod ito. "Shit talaga!!!" 

   Napahinto ng panik si Rosa, "Inay ko po, ano iyong narinig ko na kaluskos! May multo nga yata dito sa basement gaya ng kuwento ni Inday." Halos matapilok ito sa pagtakbo papanik sa itaas. 

   "Sir Andy!!!" hiyaw ni Rosa. Nanlalaki ang mga mata nito sa takot.

   "Rosa, anong nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong ni Andy sa katulong na namumutla.

   "Sir, may multo po sa basement. May narinig po akong ingay sa loob ng wine cellar nang papanik na ako dito," sumbong nito.

   "Imagination mo lang iyon, Rosa. Walang multo dito, kabago-bago ng bahay na ito," natatawang sabi ni Andy.

   "Baka mahilig kang manood ng horror movies, Rosa," sabad ni Lucille.

   "Opo Ma'am Lucille, " pag-amin nito.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon