Chapter 20

17.9K 129 85
  • Dedicated kay IamJohnnn and Sophia Ruiz
                                    

Chapter 20

   "Mama, nag-aalala na ako kay Jade. Two weeks na siyang nagmumukmok sa kuwarto, lalabas lang pagkakain sapilitan pa iyon," problemadong sabi ni Andy sa ina.

   "Hijo, bakit hindi kayo mag-out of the country para malibang ang asawa mo?" mungkahi nito.

   "Ma, ni ayaw ngang lumabas halos sa room!"

   "Just be patient, Andy. There's a time for everything."

   "Yayain ko kaya sa Jade's Island, baka sakaling pumayag. She loves that place so much,"  naisip niyang baka sa lugar na nakapagpasaya kay Jade noon ay maibsan ang kalungkutang bumabalot sa puso nito.

   "That's a great idea, son!" nakangiting sagot ni Dona Clara.

   "I'll bring her this coming weekend, Ma" madiin niyang sabi sa boses na puno ng pag-asa.

   "Pareng Andy, punta kayo ni Jade sa condo ko sa Saturday. Huwag kayong tatanggi, baka nakakalimutan mo birthday ko that day," ani ni Mark.

   "I'm so sorry, Pareng Mark. I'm planning to bring Jade in Palawan this weekend," paliwanag ni Andy sa matalik na kaibigan.

   "Pare naman, kaunti lang ang invited ko hindi pa kayo makakapunta," nagpapa-guilty na sabi nito.

   "I'll drop by tonight after work para maibigay ko ang gift namin," simple niyang sabi.

   "That's not the same," tanggi nito.

   "Babawi na lang kami next time, Mark" aniya.

   "Let's just eat out tonight.  We can go to Madelaine Restaurant for dinner," suggestion nito.

   "Sige, I'll ask Jade first then I'll call you," sabi niya.

   "Ikaw na lang, Andy please. I'm not in the mood to go out tonight," matamlay na sabi ni Jade nang sabihin niyang nag-iimbita si Mark kumain sa labas.

   "Sweetheart, birthday ni Mark sa weekend pero sinabi kong hindi tayo pwede dahil dadalhin kita sa Jade's Island," paliwanag niya.

   "Pupunta tayo sa Jade's Island this weekend?" nakakunot ang noong tanong ni Jade.

   "Yes, Jade. Alam kong special sa iyo ang lugar na iyon," tahimik niyang sabi.

   Matagal bago nakapagsalita si Jade. Nasa mukha nito ang pagtatalo ng kalooban.

   "Okay, Andy. I'll go with you to Palawan pero pass muna ako ngayong gabi sa dinner ninyo ni Mark," matigas nitong wika.

   Napabuntong-hininga ng malalim si Andy saka tumango.

   "Pareng Mark, I'll meet you around 7 pm. Hindi makakasama si Jade, medyo masama ang pakiramdam," sabi ni Andy sa telepono.

   "Ganoon ba? Okay, I'll see you later then. By the way, kasama ko si Zoe," nakangiting wika ni Mark.

   "Iyong bagong mong girlfriend," tudyo ni Andy.

   "Something like that," natatawa nitong sagot.

   "Makikita ko na rin ang Zoe na iyan."

   Oras na pumasok si Andy sa restaurant ay natanaw niya agad si Mark at ang kasama nitong girlfriend.

   "Zoe, please meet my bestfriend, Andy Wu. Andy, si Zoe Castillo," pakilala ni Mark sa dalawa.

   "Nice to meet you, Zoe," kinamayan niya ang mestisahing babae. 

   "Same here, Andy" nakangiti nitong sagot.

   "And I'm Brenna Castillo, Zoe's first cousin," napalingon si Andy sa pinanggalingan ng malambing na boses. Natunghayan niya ang maganda at matangkad ng mestisang babae na malaki ang pagkakahawig kay Zoe. 

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon