Chapter 33

14.4K 128 61
  • Dedicated kay Airene Paz and Pressie Millar-Lunnon
                                    

Chapter 33

   "Ninang Olivia? Ano po ang problema?" nagtatakang tanong ni Andy sa umiiyak na ina ni Fiona.

   "Please help my daughter Fiona, nagbabanta siyang magpakamatay," lalo itong napahagulgol.

   Hindi makaimik si Andy. Nagtatalo ang isipan niya sa isasagot sa ninang niya.

   Pag hindi ko tinulungan si Fiona ay baka nga totohanin nito ang banta  na magpakamatay. Hindi ito kakayanin ng konsensiya ko habang buhay. Pero paano naman si Jade? Siguradong malaki na namang problema ang idudulot nito sa relasyon naming mag-asawa. Sinulyapan niya si Jade na inosenteng nag-aantay sa tabi niya ng paliwanag sa nangyayaring usapan  nila ng ninang niya.

   "Andy, will you help my daughter please. Alam kong hindi mo naiintindihan ang ikinikilos ng kinakapatid mo. And I'm sorry kong kailangan kong humingi ng tulong sa iyo pero isang linggo pa bago ako makauwi diyan sa Pilipinas para sunduin si Fiona dahil inatake sa puso ang Ninong Manolo mo nang malaman niyang nagbanta ang anak naming muling magpapakamatay. Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko ngayon dahil nasa ICU siya.

   "Ano pong ibig ninyong sabihin? Nagtangkang magpakamatay si Fiona dati?"

   "Oo Andy. Iniwan si Fiona ng dati nitong boyfriend nang malaman nito na buntis ang anak namin.  Lalong pang lumala ang situation nang patay na ang sanggol nang iluwal ito ni Fiona. Doon nagkaroon ng nervous breakdown si Fiona. She was confined to a mental facility for almost a year. Hindi namin alam ni Manolo na ikaw ang magiging object of affection ni Fiona this time. Alam naming matagal ng may gusto ang anak namin sa iyo, Andy bago pa siya nagka-boyfriend dito sa States pero akala namin ay puppy love lang iyon. Naikuwento sa akin ng mommy mo na nag-asawa ka na.  Akala namin ay hindi ito magiging problema para kay Fiona pero nagkamali kami, Hijo. Hindi matanggap ni Fiona na wala na siyang pag-asa sa iyo," mahabang kuwento ni Olivia.

   "Ninang Olive, ano po ang gusto ninyong gawin ko?"

   "Kung pwedeng kausapin at puntahan mo si Fiona sa hotel.  Kausapin mo siya ng masinsinan,  Andy. Please convince her na magpa-confine sa hospital. As soon as I can leave Manolo susunduin ko si Fiona para dito na niya ipagpatuloy ang pagpapagamot," nagmamakaawa nitong sabi kay Andy.

   "Yes, Ninang. I'll help her," nanaig ang konsensiya ni Andy sa situasyon ng kinakapatid.

   Matapos ibigay ng ninang niya ang pangalan ng hotel kung saan nananatili pangsamantala si Fiona ay ibinababa na niya ang cell phone. Humarap siya sa asawang kanina pa naghihintay ng paliwanag.

   "Jade, I need to tell you something. Please try to understand the situation," umpisa niya. Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Jade.

   Ikinuwento niya sa asawa ang napag-usapan nila ng ninang niya. Lahat na pati ang history ni Fiona sa mental institution. Nang matapos niyang isalaysay ang nangyari ay hinintay niya ang magiging sagot ni Jade.

   "Andy, naiintidihan kita. Tawagan mo na si Fiona bago pa mahuli ang lahat. Igagayak ko lang ang gamit natin para makaluwas agad tayo," sabi ni Jade.

   "Thank you for your understanding, Jade."

   Dinayal ni Andy ang numero ng cell phone ni Fiona.

   "Andy! Alam kong hindi mo ako kayang tiisin, my love. Are you coming for me?" masayang sabi ni Fiona nang marinig ang boses niya.

   "Fiona, susunduin kita diyan sa hotel mo para madala kita sa ospital," umpisa niya.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon