Chapter 44
Please play the music video on the right screen.
"Seth, kumusta ka?" nagulat na bati ni Luke. Mula noong pumunta ito ng Italy para magpari ay hindi na nila ito nakita ni Lucille.
"Hi Luke, kumusta? Si Lucille nandiyan?" nakangiti nitong tanong.
"Come on in, Seth. Or should I call you Father Seth?" masayang biro ni Luke.
"Kahit na anong gusto mo, Luke. Pero naordained na ako," nakangiti nitong anunsyo.
"Lucille, look who's here?"
"Seth! Oy kumusta ka na? Iba na ang aura mo ngayon, mukha ka lalong naging Santo!" tuwang-tuwang sabi ni Lucille.
"Lucille, hanggang ngayon palabiro pa rin."
"Maupo ka dito, pasensya na at hindi ako makatayo. Nahihirapan pa kasi ako," reklamo ni Lucille. "Siyanga pala ito si Samantha, ang anak namin ni Luke.
"Ang ganda naman ng anak ninyo! Hi Samantha, ako ang Tito Seth mo," pakilala niya sa batang kanina pa nagmamasid.
"Hello po," nahihiyang sabi ni Sam.
"Anong nangyari sa iyo?" nakakunot ang noong baling ni Seth kay Lucille.
Ikinuwento ni Lucille ang lahat na nangyari sa kanila ni Jade. Tahimik na nakinig si Seth sa kaibigan.
"Ganyan magmahal ang Diyos. Buo at taos, kailangan lamang ay matatag kayo. Marami pang hamon sa buhay ang madadaanan ninyo pero kung may pananalig kayo sa Diyos ay hindi kayo maliligaw. Bahagi ng buhay ang mga pagsubok at problema pero huwag kayong mawawalan ng pag-asa dahil nakikinig parati ang Diyos," pangaral ni Seth.
"Salamat, Seth. Isa kang tunay na kaibigan," simpleng sabi ni Lucille.
"Father Seth, pwede ba kayong mag-officiate ng thanksgiving mass na gagawin sa isang linggo sa bahay nila Jade at Andy?" tanong ni Luke.
"Naku walang problema sa akin iyan. Bakasyon ako nang dalawang linggo kaya pwede ako."
"Great! I'll tell Andy about it. Tamang-tama maghahanap pa sana kami bukas ng pari para sa thanksgiving mass," masayang bulalas ni Luke.
Nag-usap pa sila ng isang oras nang dumating ang ipinadalang physical therapist para kay Lucille kaya naputol ang usapan nilang tatlo. Ibinigay ni Seth ang contact number niya kay Luke bago ito lumisan.
"Mommy, there's a lot of pretty ladies downstairs," excited na balita ni Kian habang tumatakbo ito papunta sa kama nila.
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ni Jade sa anak.
"Dito ka muna, Sweetheart. Titingnan ko lang ang sinasabi ng anak natin sa baba," sabi ni Andy. Kasalukuyan silang nagpapahinga ni Jade sa masterbedroom pagkatapos mananghalian.
"Daddy, someday I want to marry a pretty girl like Sam!"
"Then you have to study hard, get a job, buy a house and find a pretty girl like Sam," nakangiting sabi ni Andy sa anak.
"Manang-mana talaga ang batang iyan sa iyo, Sweetheart," natatawang sabi ni Jade.
"Kung nagmana ang anak natin sa akin, makakapag-asawa rin siya ng pareho ng mommy niya na napaganda at napakabait. At sigurado akong mamahalin di ito ni Kian ng buong-buo," masuyong sagot ni Andy sa asawa.
"Iyan ang pangarap ko para sa anak natin."
"Hi Andy," sabay-sabay na bati ni Valerie, Lowela at Mirasol pagbaba ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)
FanficWhen two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Please visit and like this page www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty Thanks!