Chapter 26
Maaga pa lang ay bumangon na si Jade para pangasiwaan ang umagahan nila.
"Anong oras na, Sweetheart?" antok na tanong ni Andy nang maramdaman ang pagbangon niya.
"Alas-sais pa lang, pupuntahan ko lang si Manang Edith sa kusina baka kailangan ng tulong.
"Jade, you don't have to do that. Kaya na nila ang mag-prepare ng breakfast. Matulog ka na uli para hindi ka mahirapan," niyakap nito ang beywang niya para hilain pabalik ng kama.
"Andy, kawawa naman si Manang Edith sa baba."
"Sweetheart, I'll hire another cook later para hindi ka na mamoblema, Okay?"
"Naku huwag na Andy, hindi natin kailangan magdagdag pa ng katulong dito. Babalik na naman sina Tasha at Gina galing sa bakasyon nila," tanggi niya. Lima ang katulong nila sa mansyon. Si Manang Edith na cook, Rosa at Tasha na tagalinis, si Inday na tagalaba at plantsa at si Gina na all-around maid. Bukod pa sa family driver nilang si Mang Karyo na asawa ni Manang Edith.
"I think we need two more para maging yaya ng baby natin at alalay mo sa mga lakad," sabi ni Andy.
"Ay ako ang mag-aalaga sa baby natin," madiing niyang tanggi.
"Sweetheart, kailangan din natin ang yaya para hindi ka mapagod," paliwanag nito.
"Basta ayoko nga," nakahukipkip siya na parang bata.
Napakamot ng ulo si Andy. "Here we go again!"
"Sa sunod na natin pag-usapan iyan. Bababa na ako."
"Ano ang plano mo today?" tanong ni Andy habang nagbibihis si Jade.
"Yayain ko sana si Lucille mag-shopping ng mga baby stuff."
"Sasamahan ko na kayo."
"Hindi ka papasok sa office?" nagtatakang tanong ni Jade.
"Wala naman akong ka-meeting ngayon. Bukas na lang ako papasok," kaswal nitong sagot.
"Talaga! Sige, para mabili na natin ang ibang mga gamit ni baby," nakangiti niyang sabi.
"Anong ba ang plano mong motif ng nursery? Di ba next week pa natin malalaman kung babae o lalaki ang baby natin?"
"Next week pa nga pero pastel green and yellow naman ang mga kulay na gusto ko kaya pwede na tayong mag-umpisa, di ba?" malambing niyang sabi.
"Sige, okay iyong gusto mo. Magbibihis lang ako at susunod na rin ako sa iyo."
"Good morning, Jade!" nakangiting bati ni Luke.
"Good morning, Luke! Si Lucille, gising na ba?" ganting-bati niya habang inahalo ang ingredients para sa pancake batter.
"Pababa na rin iyon," sagot nito. "Wow, ang sarap naman ng breakfast natin!"
"Naku, si Manang Edith lahat ang nagluto niyan, pancake lang ang contribution ko," nahihiya niyang tanggi.
"Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon ha," puri nito.
"Tingnan ko lang kung hindi ka naman lumobo," buska ni Lucille na kapapasok lang ng kusina.
"Panay naman ang gym ko kaya malabong mangyari iyon," depensa nito sa sarili.
"Me too, I can eat a horse and not gain any weight. I'm so lucky that way, it's probably in my genes. Iyong iba kasi kaunting kain lang ang bilis tumaba," sabad ni Fiona na kararating lang din. Nakangisi itong nakatingin kay Lucille.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)
FanficWhen two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Please visit and like this page www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty Thanks!