Book 2 Chapter 36 (A New Beginning)

15K 144 63
  • Dedicated kay @pinayrninsg and Nina Gab Almari
                                    

Chapter 36

   Nakalipas pa ang ilang buwan...

   Nasa huling buwan na ng pagbubuntis ni Jade. Naging tahimik at maayos ang buhay nila ni Andy. Alagang-alaga si Jade ng asawa at kapatid na si Julia na doon pa rin nakapisan sa kanila.  Ang mga magulang at kapatid ni Andy na nakabalik na galing ng ibang bansa ay parati nilang panauhin sa manyon. Tuwing dumadalaw ang mga ito ay may mga dalang regalo ito para kay Jade at sa magiging apo nila. Noong unang dumating sila Don Fernando at Dona Clara ay panay ang sorry ng mga ito dahil wala sila nang nangyari ang insidente tungkol kay Fiona. Sinugurado naman ni Jade na walang dapat ang mga itong ika-sorry sa nangyari dahil wala namang makakahula sa mangyayari.

   Si Fiona ay nakakulong pa rin sa psychiatric unit ng isang malaking hospital, hindi pa rin ito maibiyahe papuntang America ni Olivia dahil sa unstable pa rin ang mental condition nito. Napagkasunduan nila Lucille at Luke na huwag ng magsampa ng demanda laban kay Fiona alang-alang sa pinagsamahan ng mga magulang ni Andy at Fiona. 

  Lalong naging sweet si Luke at Lucille sa isa't isa. Halos sa lahat ng pagkakataon ay ipinapakita ni Luke kung gaano niya kamahal si Lucille.   Madalas pag weekend ay lumalabas ang apat na magkakaibigan para kumain at manood ng sine.

  

   "Ang ganda ng movie na pinanood natin kanina," sabi ni Jade habang kumakain sila sa isang Filipino restaurant sa The Fort, Taguig.

   "Ang gwapo ng bida," bulalas ni Lucille na kinikikig.

   "Mas gwapo pa sa akin?" nakangiting biro ni Luke sa asawa.

   "Naku walang hihigit sa iyo, honey! Ikaw na ang pinakagwapong lalaki para sa akin," ganting-biro ni Lucille.

    Nagkatinginan si Andy at Jade, tuwang-tuwa sa biruan ng mga kaibigan.

   "Ikaw, Tita type mo ba ang kagwapuhan ng bidang lalaki?" baling ni Lucille kay Jade.

   "Oo naman. Pero para sa akin si Andy pa rin ang mas pogi sa dalawa," nakangiting sabi ni Jade.

   "Sweetheart, totoo ba iyan?"

   "Hindi ako marunong mambola noh!" irap niya kay Andy.

   "May pangalan na ba kayo sa baby boy ninyo?" tanong ni Luke.

   "Kian Alexander ang napili namin," masayang anunsyo ni Andy.

   "Kayo?" tanong ni Jade.

   "Wala pa kaming maisip na pangalan sa ngayon," sabi ni Lucille.

   "Ang ganda naman ng napili ninyo," sabi ni Luke.

   "Dapat lang dahil sigurado akong gwapo ang aanakin natin," nakangiting wika ni Lucille.

   "Order na tayo ng dessert?" wika ni Jade sa lahat.

   "Leche Flan ang sa akin with macapuno ice cream at saka ube cake," excited na sabi ni Lucille.

   "Honey, baka naman magka-diabetes ka na niyan," nag-aalalang sabi ni Luke.

   "Ito naman masyadong praning," ani Lucille.

   "Ikaw Sweetheart, ano ang gusto mo?" baling ni Andy kay Jade.

   "Chocolate mousse cake," nakangiting sagot ni Jade.

   "Luke?"

   "Carrot cake sa akin."

   Umorder si Andy ng mga desserts na gusto ng dalawang buntis at carrot cakes para sa kanilang dalawa ni Luke.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon