Chapter One:
Heaven
"Heaven, ano na? Hindi pa ba tayo uuwi? " tanong ni Gina. Ang kaibigan ko.
Habang nakaupo ako sa bench ng St. Laurence University at nakatingin sa room nina Cloud Angeles Cruz ay nagsalita ako.
"Teka lang, hinihintay ko pa si Cloud, " Kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin.
"Sus! Ayan ka na naman eh. Natapos lang ang weekend natin na wala kang ibang bukang-bibig kundi si Cloud Angeles Cruz, " may bahid na iritasyon na sabi ni Gina at sinabayan pa ng pagkamot sa ulo.
"Eh, maghanap ka rin kasi ng crush mo Gina para ma-inspired ka din kagaya ni Heaven, 'diba Ven? " sabad naman ni Mazeth habang hawak-hawak ang cellphone at busy sa pagkulikot niyon.
"Sus! Ma-inspired? Baka mabaliw, " pagtatama ni Gina. Hinarap niya si Mazeth habang ako naman ay halos matagos na ang paningin ko sa room ni Cloud. Napatingin ako sa wrist watch ko at sinipat ang oras doon. Ilang minuto na lang ay mag-a-alas kuwatro y medya na. Paniguradong uwian na rin sina Cloud bago mag 4:30.
"Mabuti pa Zeth mauna na tayo. May hahanapin pa akong libro sa bookstore eh, " sabi ni Gina kay Mazeth.
"Oy teka! " sabi ko saka mabilis hinawakan ang braso ni Gina at hinarap sila. "Mamaya na pwede? "
"Pero Hea-"
Napasinghap ako ng makita kong nagsipaglabasan na ang mga estudyante sa room ni Cloud kaya mabilis kong binitawan ang braso ni Gina at tumayo kasabay ng pagsakbit sa balikat ng shoulder bag ko.
"Lumabas na sila! Sige mauna na kayo, " baling ko sa dalawang kaibigan ko saka walang lingon-likod na naglakad ng papunta sa room ni Cloud.
"Tsk! Diyan ka magaling eh, kapag gusto mong masolo si Cloud iniiwan mo na lang kami sa ere, " ngitngit na sabi ni Gina.
Hinarap ko siya at nginitian. " Ngayon lang ito Gin, " sabi ko sabay kindat.
Napabuga si Gina habang si Mazeth naman ay napapailing na lamang sa tinuran ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at halos takbuhin ko na ang room ni Cloud para maabutan ko ang paglabas niya.
Natatawa na lang ako nang sulyapan ko sina Gina at Mazeth na noon ay palabas na ng school. Well sanay na din naman sila sa ugali ko. Alam naman nila na ganoon lang ako pagdating kay Cloud. Sa loob ng halos tatlong taon ko sa eskwelahan na ito at halos since birth na kapitbahay ko ang dalawang mokong na iyon alam na nila ang ugali ko. Minsan nga sila pa ang mas nakakakilala sa sarili ko.Dumeritso ako ng tingin at sinulyapan si Cloud mula sa loob ng classroom niya. Tumalon-talon pa ako para lang makita siya mula sa bintana. May kataasan kasi ang room nila mula sa ground.
Kapitbahay din namin si Cloud. Sampung taong gulang ako noon ng tumira siya ng pamilya niya sa subdivision at maging kapitbahay ko. Isang taon lang ang agwat ko sa kanya. 19 na siya at ako naman ay 18. Parehong may kinalaman sa negosyo ang kinuha naming mga kurso. Second Year na si Cloud habang ako naman ay First Year palang."Oy Cloud! Bilisan mo na diyan, nandito na ang chick mo, " sabi ng makulit niyang kaklase na si Roland mula sa pintuan ng room.
Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki sa loob saka mabilis na pumunta sa bintana para kumpirmahin kung tama nga ang sinasabi ni Roland sa kanila. Hindi ko naman makuhang magalit sa hiyawan nila kasi sa totoo lang kinikilig pa nga ako kapag pinagtutukso kaming dalawa ni Cloud sa isa't-isa.
Lumuwag pa ang pinto ng classroom at iniluwa doon si Cloud. Unti-unting napawaang ang bibig ko habang natutulala ang mga mata na napatitig sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin. Agad-agad ay pinamulahan ako dahil doon. At OMG! Ang puso ko! Lalabas na ata sa chest ko sa lakas ng tibok niyon. Tila naging slow-motion din ang lahat na nangyayari sa paligid.
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Romance" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...