Chapter Four

675 14 0
                                    


Chapter Four

Heaven


INTRAMS na namin. As expected maraming students ang kumakalat sa paligid ng St. Laurence University. Iba't-ibang booths din ang nakahilera sa malawak na field ng university. Idagdag pa na may peryahan din at may parte din kung saan malululula ka talaga sa dami ng mga pagkain na nakahilera. Mga HRM students ang namamahala sa kainan na iyon. May kung anu-ano din silang pakulo para lang dumugin ang pagkain nila.

Pero kami nina Gina at Mazeth naman iba ang pakulo namin. Ako ay dikit ng dikit kay Cloud habang ang dalawa naman ay nagpapaka-busy sa pagtulong kay Fatima para sa message booth na ginawa ng business management students na second year. Eh kaya kaming mga first year umaalalay na lang. 'Yong iba nga hindi na nabibigyan ng task kaya ang ginagawa nagliliwaliw na lang sa ibang booth gaya ng ginagawa namin ni Cloud.

At buti naman sumama si Cloud nang yayain ko siya na mamasyal sa ibang booth. Akalain niyo? Hindi umayaw?

"Marami kaming ginawa kahapon kaya gusto kong magliwaliw naman ngayon, " katwiran niya kaninang tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagreklamo na sumama sa akin. Siyempre sa sinabi niyang iyon umiral na naman ang malanding instinct ko na baka gusto ni Cloud na magliwaliw kasi kasama niya ako. Kasi nga may pagtingin din siya sa akin. Lihim akong napapangiti habang naiisip ko iyon. Hindi naman siguro masama maging ambisyosa minsan.

"Pero pasalamat ka't napag-utusan ni Mr. Reyes ang mga kaibigan ko kaya wala akong choice kundi ang sumama sa iyo. "

Aray! Nasa no choice category pala ako. Tss... 'Yong feeling na lumilipad na ako sa ulap dahil sa sobrang saya tapos bigla na lang parang lumagapak ako sa lupa dahil sa sinabi niya.

"Well buti naman atleast kahit papaano nasolo kita, " sabi ko saka pinilit na ngumiti para takpan ang nasaktan kong puso dahil sa sinabi niya.

Hindi na lang siya nagsalita. Nagpatuloy kami sa pagliwaliw. Lahat ng booth sinubukan namin. Syempre hindi siya nakaayaw dahil sadyang mapilit lola niyo eh.

Nang nasa cotton candy booth na kami ay lumapit si Ronald at panay ang picture sa akin gamit ang camera niya. Sa una hindi ko siya pinansin pero ng halos buong angle ng mukha ko nakuhanan niya na eh nagreklamo na ako.

"Oy! Ano ba tama na! " saway ko sa kanya.

"Last na lang, humarap ka na kasi saka ngumiti. "

Naiinis na hinarap ko siya.

"Ronald, kung may gusto ka sa akin pwes hindi kita type kaya tigilan mo na iyan ok? " pamemewang ko sa kanya. Yeah! Prangka talaga ako.

"Tss! Ang taray mo naman Heaven. Saka hindi talaga kita pwedeng magustuhan 'no, mamaya niyan batukan ako ng nag-request nito na kuhanan daw kita ng larawan. "

Matagal bago ko nakuha ang ibig sabihin ni Ronald. Pero bago pa ako makapag-react ay tumalikod na siya at umalis.

"Ano daw ang sinasabi ng kaibigan mo? " kunot-noong tanong ko kay Cloud.

"Malay ko ba? kayong dalawa ang nag-uusap diyan eh, " kaswal na sabi niya saka nakapamulsa na tumalikod para pumunta sa katabing booth.

Napapailing na lang ako habang nakakunot-noo na kinuha yung cotton candy at sumunod kay Cloud.

***

Heaven

"Hello? "

"Heaven nasaan ka? " tanong ni Gina sa kabilang linya.

"Nasa CR bakit? "

"Hindi mo ba kasama si Cloud? "

"Malamang hindi! Nasa CR nga ako eh, alangan naman pati sa CR isasama ko siya. "

Chasing CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon