Chapter Two

956 16 0
                                    


Chapter Two



Heaven

HALOS mapunit na ang mga labi ko sa lawak ng ngiti ko habang nakatingin sa isang bulaklak ng rose na inipit ko pa sa notebook ko. Kasunod kong inipit doon ang isa pang bulaklak ng groom na nakuha ni Cloud. Sinarado ko iyon at nagsimulang mag-imagine ng mga bagay na pwedeng mangyari sa amin ni Cloud once na ikinasal na rin ako sa kanya in the near future.

Naudlot lang ang imagination ko ng bigla akong tapikin ni Mazeth.

"Hoy! Heaven, "  pukaw ni Mazeth at umupo sa bench sa field ng St. Laurence University. Kasunod niyang umupo sa paharap sa akin si Gina.

Magkaklase silang dalawa. Block B sila samantalang ako naman ay naiwan sa A.

"Ano ba? Pinutol mo imagination ko eh, " asar na sabi ko sa kanya.

Napailing ito saka may inis ang mga mata na tinanong ako.

"Ano naman pinagsasasabi mo kay Jem at lumapit siya sa akin noong araw ng kasal ng kuya mo? "

Napatigil ako at tiningnan siya ng deritso. Painosenteng tiningnan ko si Mazeth.

"Bakit? Ano bang sabi niya? Nagpropose na din ba siya sa'yo? " tanong ko sa kanya.

Binatukan niya ako dahilan para mapa-aray ako.  "Tanga! Ang sabi niya sinabi mo daw na may sasabihin ako sa kanya kaya lumapit siya sa akin. "

"Eh bakit? Wala nga ba? " nakangiting tanong ko. Mabilis na pinamulahan si Mazeth. Halatang-halata iyon sa mukha niya kasi likas na maputi ang balat niya.

"W-wala... Wala akong sasabihin sa kanya, " sabi ni Mazeth saka umiwas ng tingin.

"Sus! Kunwari ka pa eh."

"Mahal ko parin siya at hindi ko kailangan maghanap ng iba para lang gawing panakip-butas sa kanya! "

Napatigil ako at napatulala kay Mazeth. Ganoon din si Gina na halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Mazeth. Na-realize ni Mazeth kung ano ang sinabi niya kaya mabilis siyang tumalikod sa amin at kunwa'y nagpipipindot sa cellphone niya.

"Ah-ahm... W-wala 'yon, huwag n'yo akong intindihin, " Nauutal na sabi niya.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Gina at napailing na lamang. Ang tinutukoy ni Mazeth ay 'yong ex-boyfriend niya na grumaduate na. Halata naman minahal ni Mazeth yung lalaki kahit na hindi kami boto ni Gina doon dahil masyadong basagulero.

Tiningnan ko na lamang ang notebook ko na may dalawang bulaklak. Mabuti pa si Cloud walang bisyo, super gwapo 'yon nga lang... antipatiko. Napangiwi ako sa naiisip ko.

"Ano naman ba yang bulaklak na inipit mo sa notebook mo Heaven? " usisa ni Gina.

"Hindi mo alam? " tanong ko kay Gina.

"Alam ko tuyong mga rosas iyan, bakit inipit mo pa sa notebook mo? Padumi pa 'yan eh. "

"Hindi ito dumi 'no! Simbolo ito na kami ang destiny ni Cloud balang araw. Na ako ang bride na rarampa sa aisle ng simbahan habang siya naman ay groom na maghihintay sa akin sa altar, " paliwanag ko kay Gina.

Mabilis naman siyang napangiwi sa sinabi. "Ang ambisyosa mo talaga Heaven 'no? "

"Eh napaka-supportive mo naman kaibigan Gina! " inis na sabi ko sa kanya saka tiniklop ang notebook at pahalukipkip na napanguso sa kanila.

Bumuntong hininga naman si Gina.

"Hindi naman kasi sa ganoon Heaven. Nasa reality lang kami, " pagigiit ni Gina. " Ilang beses ka nang binasted ni Cloud. Ni hindi ka niya pinapansin tapos iniisip mo na kayo ang destiny sa isa't isa? Weird naman 'non Ven. "

Chasing CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon