Chapter Nine
CLOUD
KALALABAS ko lang sa banyo ng magdoorbell sa pinto ng pad na tinutuluyan ko. Bahagya pa akong napatigil sa pagkuskos ng tuwalya sa basa kong buhok pilit kong inaalala kung may bisita ba akong darating sa araw na ito. Pangalawang doorbell ang narinig ko bago ko tuluyan buksan ang pinto.
Saka lang ako napatigil ng makita ang panauhin ko.
"Stanley? " kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Hm. Ako nga, " sabi niya saka matamlay na ngumiti at tuloy-tuloy na pumasok sa pad ko. Isang malaking backpack lang ang dala niya at kaagad niya iyon binalibag sa sofa saka pasalampak na umupo na rin doon.
"Hay! Nakakapagod ang byahe! " sabi niya pa.
"T-teka... Anong ginagawa mo dito? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito, " sabi ko saka kinuha ang damit ko na nasa kama ko. Dumeritso agad ako sa banyo para magbihis.
"Oo nga eh, biglaan. "
"Bakit ano bang nangyari? May nangyari ba sa Pilipinas? " sabi ko sa kanya habang nagbibihis sa banyo.
"It's just all about Heaven. "
Napatigil ako. Mabilis kong naisuot ang damit ko bago ako lumabas.
"What? A-anong nangyari sa kanya? May nangyari bang masama kay Heaven? " sunod-sunod na tanong ko kay Stanley. Hinawakan ko siya balikat with a worried look. " Tell me. "
Natigilan siya at napatitig sa akin. Nang mapagtanto ko ang mga sinabi ko kaagad ko siyang binitawan at umayos ng tayo.
"Ah-ahm... Huwag mong intindihin ang sinabi ko. N-nabigla lang ako, " sabi ko ng hindi ako tumitingin ng deritso kay Stanley.
Napakamot pa ako ng batok ng makita ko na wala parin siyang reaksyon at parang natulala pa ata sa tinuran ko.
"A-alam mo naman na kaibigan ko din si Heaven. Kaya natural lang naman siguro na mag-alala ako sa kanya, " dagdag ko pa. Lihim kong kinastigo ang sarili ko sa pagsasabi ng ganoon. 'Yong tipong kailangan pa talaga ng maraming paliwanag'
"She's ok, " kaswal na sabi ni Stanley habang nakatingin parin sa akin ng deritso. Sa sinabi niyang iyon ay saka ako huminga ng maluwag. Agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng beer na maiinom.
"So... Ba't ka pumunta dito biglaan? " tanong ko sa kanya habang binubuksan ang ref.
"I just want to ask questions on you Cloud. "
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Questions? Pumunta ka dito para magtanong lang? "
Tumango siya. Natatawang inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer.
"Anong ginagawa ng cellphone? Ng facebook? At kailangan pumunta ka pa dito sa Canada para lang sa tanong mong iyan, " nakangiting sabi ko pa sa kanya.
"Gusto kong itanong iyon sa'yo ng personal. "
Napakunot-noo pa ako sa sinabi niya. Pero sa huli tumawa na lang ako kasabay ng pagtango. "Ok... Spill it. "
Ilang minuto bago siya nagsalita. " Mahal mo ba si Heaven? "
Napaubo ako. Hindi lang dahil sa beer na iniinom ko kundi dahil sa tanong ni Stanley.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan, " sabi ko sa pagitan ng pag-ubo. Pero deep inside sinisi ko ang sarili ko na pinagbuksan ko pa si Stanley kung iyon din naman ang itatanong. Hindi ko kasi napaghandaan ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Storie d'amore" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...