Chapter Seven
HEAVEN
"Cloud! " Agad kong tinawag si Cloud ng mabungaran siya sa labas ng gate nila. Sa hula ko ay papasok pa lang ito ng bahay dahil akmang itutulak na nito ang pinto ng gate pero natigilan siya ng tawagin ko ang pangalan niya.
Mabilis kong itinabi ang scooter at agad na lumapit sa kanya.
"Totoo ba? " naghihingal na tanong ko sa kanya. " Totoo ba na aalis na kayo? A-at bukas na migration niyo? "
Halatang nabigla si Cloud. Tumingin muna siya sa daan kung saan ako nanggaling, bago niya ako tiningnan.
"Nasaan si Stanley? " tanong niya.
"Ang tanong ko ang sagutin mo Cloud! " inis na sabi ko sa kanya kasabay ng pagbuo ng luha sa mga mata ko. Napalunok siya ng makita ang namumuong luha sa mga mata ko.
"H-Heaven... " mahinang anas niya sa pangalan ko.
"Cloud... Ito ba ang sinasabi mong rason kung bakit hindi mo ako magustuhan? " Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Nakita ko naman kung paano nagtiim bagang si Cloud dahil doon.
"D-dahil natatakot ka? Dahil alam mong darating ang araw na ito? Na magkakalayo tayo? Na iiwan mo ako? " sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Pakiwari ko ay kinakapos na ako ng hininga habang sinasabi ko ang mga iyon sa kanya.
Pinagkatitigan ko siya. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko. Sana lang huwag siyang mawala sa paningin ko. Kahit pa nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na pumuno sa mga mata ko ay pinilit kong huwag kumurap man lang dahil baka sa pagkurap ko ay hindi ko na siya makita.
Hinawakan ko ang braso niya. "Cloud... Paano naman ako? Paano naman ang nararamdaman ko? Iiwan mo na ba talaga ako? Ha? "
Matagal bago siya nakasagot. Nakatitig lamang siya sa akin. Nakatitig lamang siya sa mukha ko. Gusto kong mainis kung bakit niya iyon ginagawa kasi laging ganoon lang ang takbo ng usapan namin kahit noon pa man. Pero hindi ko rin maikakaila na gusto ko ang ginagawa niya.
"Oo... Aalis na kami. At hindi ko alam kung kailan kami babalik dito, "
Nakagat ko ang labi ko at muling lumandas ang luha mula sa mga mata ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakakapit pa sa braso niya. Saka unti-unting inalis iyon. Pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Maghihintay ako Cloud! " mabilis na sabi ko sa kanya dahilan para muli siyang matigilan.
"Hihintayin kita. Kahit ilang taon pa iyon... h-hihintayin kita... " bahagyang humina ang boses ko sa huling salita na sinabi ko sa kanya. Patunay lang na kahit ipagiitan ko na sa kanya na maghihintay ako ay hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin iyon dahil kahit si Cloud mismo ay hindi alam kung kailan sila babalik.
Hindi na siya nagsalita. Itinuloy niya ang paghawak sa kamay ko para alisin ito mula sa braso niya.
Pero bago pa niya nagawang alisin ang kamay ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. At tuluyan ng napahagulhol sa balikat niya."K-kahit ito na lang Cloud. Huwag mo akong pigilan na yakapin ka. Kahit ngayon lang... huwag mo akong pigilan... " nanghihinang sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap sa kanya. Nahiling ko na sana tumigil ang oras para hindi na matapos pa ang sandali na ito. Pero... Wala akong abilidad na itigil iyon. At saka kailangan eh. Kailangan kong pakawalan si Cloud. Kasi aalis na siya. Pupunta na sa malayo. Sa Canada. Para sa muling pagbuo ng pamilya niya. Kung saan ang pagbalik niya ay malabo kong asahan.
Unti-unti akong kumalas sa kanya saka pinagkatitigan ang mukha niya. Gusto kong kabisaduhin ang mukha niya. Ang inosente niyang mga mata na pinaresan ng makakapal na kilay. Ang kanyang matangos na ilong at ang mapupula niyang mga labi. Mas tumagal ang mga tingin ko sa mapupulang labi na iyon. Hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin para muling tumingkayad at siilin ng halik ang mga labi niya.
Halatang nabigla si Cloud sa ginawa ko dahil kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata niya. Pero wala akong balak na kumawala sa kanya kaya naman napapikit ako at ikinawit ang mga braso ko sa balikat niya habang mas lalong ninamnam ang tamis ng halik na sa ikalawang pagkakataon ay muli kong natikman mula kay Cloud.
Pero kung 'yong unang halik ko sa kanya ay halos idinuyan ako sa kaulapan. Ngayon ay parang ninamnam ko ang halik niya sa ilalim ng malamig na ulan. Ulan na kahit ilang tubig pa ang ibuhos ay hindi kayang burahin ang sakit na unti-unting lumalalim sa puso ko.
Napayuko ako nang pakawalan ko ang mga labi niya. Nang muli kong tinitigan si Cloud ay ganoon parin ang ekspresyon ng mukha niya.
"I love you... " mahinang anas ko at hinawakan ko ang magkabilang mukha niya.
Unti-unting niyang hinawakan ang mga kamay ko na nasa mukha niya pagkuwa'y muli akong pinagkatitigan.
"I love you too... " sagot ni Cloud na bahagyang ikinabigla ko. " Mahal kita bilang isang kaibigan lang Heaven. Kasi hindi tayo pwede Heaven... Dahil may isang masasaktan. And he deserve for your love. Si Stanley... Mahal ka niya. And from now on, hindi na kayo magkakalayo. "
Bahagya siyang ngumiti. Ngiti na parang napipilitan lang.
"Mas makakasama mo na siya ngayon ng matagal. "
Bago siya tumalikod ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Napatigil si Cloud pero hindi ako tiningnan ng deritso.
"Hindi ba may sasabihin ka sa akin? Kaya nga pumunta sa plaza kasi may sasabihin ka sa akin di'ba? " sabi ko at pilit pinapaniwala sa ang sarili ko na may nasisilip pa akong pag-asa sa aming dalawa. Sa kabila ng sinabi niya na mahal niya ako bilang isang kaibigan lang. "K-kung mahal mo ako. Siguro maiintindihan naman ni Stanley ang lahat."
Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalitang muli.
"S-sasabihin ko lang sa'yo na dadating si Stanley ngayon. At balak kitang sorpresahin sa pagbalik niya. At kung tungkol sa nararamdaman ko. Nasabi ko na Heaven. At hindi ko na kailangan ulitin pa ang bagay na iyon. "
Kusa nang nalaglag ang mga balikat ko kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ko. Tuluyan na siyang tumalikod para pumasok sa bahay nila. Habang ako naman ay naiwan na parang humahagulhol na bata dahil hindi nabili ang gusto sa labas ng bahay niya.
Naramdaman ko ang mga kamay sa balikat ko. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon- Si Stanley.
Kinabig niya ako at hindi naman ako nag-alangan na isubsob ang mukha sa balikat niya. Yeah! I really need shoulders to cry on.
"Ssh... Ok lang 'yan, Nandito naman ako. Hindi na kita iiwan. " bulong ni Stanley sa akin.
***
Heaven
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bumaling ako sa kabilang pader. Dumaan ang paningin ko sa malaking wall clock. Alas dos... Alas dos na nang madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Paano naman ako aantukin? Eh sa tuwing pumapasok sa isipan ko si Cloud. Wala akong ibang ginagawa kundi ang umiiyak.
Ang sakit kasi... Sobra. Pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso sa maliliit na piraso. Piraso na hindi basta-basta mabubuo kahit pa siguro lumipas ang maraming taon.
Naramdaman kong nag-init na namab ang sulok ng mga mata ko. Ang lupit naman ng tadhana sa akin. Minsan na nga lang ako magmahal mawawala pa. Minsan na nga lang ako maging masaya hindi pa pinadama sa akin. At minsan na lang ako magtapat sa tao pa na hindi ako gusto. Na hindi ako kayang mahalin bilang ako.
Niyakap ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at unti-unting napahagulhol. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak sa kwarto na iyon. At hindi ko rin alam kung ilang beses kong pupunasan ang luha sa mga mata ko.
Naisubsob ko ang mukha ko sa unan ko. Sana lang... Sana lang panaginip ang lahat ng ito. Sana lang hindi ito ang realidad ng buhay pag-ibig ko. Dahil kung panaginip man... Gusto kong may gumising sa akin. Gusto kong gisingin ako sa bangungot na ito. Dahil... hindi ko na kaya. At ang sakit-sakit na.
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Romance" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...