Chapter Eight

747 13 0
                                    


Chapter Eight

Seven years later...



Heaven

"DITO na ako friend. "

Itinabi naman ni Gina ang kotse niya sa tapat ng bahay ko.

"Are you sure hindi ka na papasok? " tanong ko sa kanya sabay turo sa bahay.

"Next time na lang friend. May aasikasuhin pa kasi akong papeles, "nakangiting sabi ni Gina sabay tapik sa brown envelope nasa tabi niya. Halos puputok na iyon sa dami ng laman.

Natawa ako. "Sus lagi naman eh, kina-carrier mo na ang maging working girl. Makapag-asawa ka pa kaya sa lagay mong iyan? "

Napairap siya kasabay ng pagbuga ng hangin. "Hah! Don't me. Mag-di-date nga kami sa sabado eh. "

Mas lumakas ang pagtawa ko sa sinabi niya. "Sus! Umaasa ako na magiging interesado ka na sa isang 'yan ha? Hindi na uso ang choosy ngayon, "

Yeah! Atlast sa pitong taon na lumipas binigyan din ng time ni Gina ang sarili na mag-entertain ng lalaki. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung nabagok ba ulo niya o nahulog siya imburnal at bigla nalang siya nagkainteres sa mga lalaki. Basta isang araw basta na lang siya nagsalita na gusto niyang maranasan kung paano ang umibig. And yeah! Big deal iyon sa kanya. Eh sa dakilang bitter ang kaibigan kong ito! Akala ko nga magmamatandang dalaga na lang siya sa taglay ka-bitter-an.

"Sus! Nagsalita ang interesado, " pairap na sabi niya saka tumawa.

Napairap na rin ako. "Oh siya! Ba-bye na mali-late na ako sa lakad ko. "

"Sus! Ahem, may date ka 'no? Ayie! Totohanan na ba ito friend? " tukso pa ni Gina sa akin.

Tumawa na lang ako at lumabas saka isinara ang kotse niya. Pero hindi pa nakuntento ang bruha at nagawa pang buksan ang bintana para silipin ako at magsalita.

"Basta ako ang bridesmaid sa kasal ah? Huwag mong kakalimutan, " habilin niya pa.

"Baliw! " natatawang sabi ko. Pagkasabi ko niyon ay umalis na din siya.

Napapailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang kotse ni Gina. Nang mawala siya sa paningin ko ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naroon parin ang ngiti sa mga labi ko ng buksan ko ang gate ng bahay. Akma ko iyon na itutulak ng mapatigil ako.

Nilingon ko ang bahay nina Cloud na siyang nasa gawing kanan ko. Unti-unting naparam ang ngiti sa mga labi ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit ako sa lumingon sa bahay na iyon. Ilang beses kong iniwasan sa isipan ko na lumingon sa bahay nina Cloud na siya ang unang papasok sa isipan ko.

It was 7 years since he left. Since my heart broke into pieces. Pitong taon, and it was a living hell for me. Lately ko lang napagtanto na nag-aaksaya ako ng luha sa taong hindi naman kayang punasan iyon. Sa isang taong na itinuring at minahal lamang ako bilang isang kaibigan. Kaibigan lang...

Pero sa kabila ng sugatan kong puso may isa namang lalaki na pilit na binubuo iyon- si Stanley. Sa loob ng pitong taon si Stanley ang naging karamay ko. Ang naging sandigan ko. Wala siyang alam na si Cloud ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Hindi siya nagtanong kung ano ang dahilan ng mga luha at lungkot sa mga mata ko kapag nakikita ko ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Cloud. Walang tanong na lumabas sa mga labi ni Stanley. Nandiyan lang siya...To comfort me. Kaya naman siguro... Kailangan ko ng suklian ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Stanley.

Kailangan ko nang magmove-on at buksan ang panibagong yugto ng buhay pag-ibig ko kasama si Stanley. He asking me for a date on Sunday. That will be three days from now. Siguro iyon na ang panahon para pagbigyan ko naman siya.

Chasing CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon