Chapter Five
Heaven
"HEAVEN... Nainom mo na ba ang gamot mo? " boses ni Mama mula sa pintuan.
"Opo Ma, " sagot ko saka tumalikod to face the other wall.
Narinig kong bumuntong hininga si Mama sa ginawa ko. Kilala niya ako. Alam niyang kapag ayaw ko ng makakausap hindi talaga ako nagsasalita. Ito ang wierd side ko sa pagiging masayahin at palangiti kong babae. Saka lahat naman napapagod hindi ba? 'Yong tipo na kahit gaano ka kasaya darating ang oras na magiging malungkot ka.
Dalawang araw ng masama ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang ang impiyerno dahil masakit na init ng katawan ko. Resulta siguro ito ng pagpaulan ko noong isang araw. Hindi ko na din natapos ang dalawang araw pa na event sa school namin kasi nagdedileryo na ako sa lagnat kong ito. Gladly medyo humupa na ngayon. At buti pa yung lagnat nawawala... Yung sakit na dulot ng katotohanan kailan kaya?
Naramdaman kong umupo si Mama sa tabi ng kama ko at bahagyang sinapo ang noo. Kinuha niya ang tuyong bimpo at sa pinunasan ang pawisan kong noo.
"Mabuti naman at pinagpawisan ka na Heaven, " sabi niya. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan at pinapakiramdaman ang ingay sa paligid.
Narinig kong muling bumuntong-hininga si Mama.
"Sinabi sa akin ni Gina ang dahilan kung bakit umuwi ka noong isang araw na basang-basa ng ulan. "
Hindi na ako nagulat doon. Alam ko naman sasabihin iyon nina Gina kay Mama. Eh sila lang naman ang best friend ko na hindi kayang i-tolerate ang maling gawa ko. Alam kong totoo lang sila sa akin. At naiintindihan ko iyon. I am already desi-nuwebe na ako para magpaka-immature pa at gawing malaking issue ang pagsumbong nila ng ginawa ko kay Mama.
Muli ay bumuntong hininga si Mama bago nagsalita. " Alam ko ang nararamdaman mo anak. At naiintindihan kita dahil minsan narin akong naging baliw sa papa mo noong kabataan namin. At kaya ka siguro ganyan kasi nagmana ka sa akin. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pahirapan mo ang sarili mo dahil lang sa lalaking iyon. "
Naramdaman kong bumalong na naman ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ko pinapahirapan ang sarili ko? Kasi nga mahal ko na siya. Mahal ko na si Cloud. At kaya ako nahihirapan ngayon dahil hindi ko kayang tanggapin na hindi niya ako mahal. Na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. At kung sana sinuklian din ni Cloud ang pagmamahal ko sa kanya... Hindi siguro ako mahihirapan ng ganito.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo na porke dahil minahal mo siya kaya nasasaktan ka ngayon. Kadalasan kasi anak hindi lang ang masaktan ang nag-iisang choice kapag dumating ka na sa ganitong sitwasyon. Choice din naman natin ang magparaya, " patuloy pa ni Mama.
Pero hindi ko kayang magparaya. Hindi ko kayang makita si Cloud na masaya sa piling ng iba. Gusto ko akin lang siya. Gusto ko ako lang ang nagpapasaya sa kanya.
Impit na napapahagulhol na ako dahil sa mga sinasabi ni Mama. Ang sakit na rin ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil kong huwag iparinig kay Mama ang hagulhol ko.
"Anak... "Sabi ni Mama saka marahang hinahaplos ang balikat ko. Akala siguro ni Mama hindi ako nakikinig sa kanya kaya hinawakan niya ang balikat ko. " Maraming taon mo nang pinapakita kay Cloud na mahalaga siya sa iyo. At hindi umubra ang lahat ng iyon. Kaya mabuti pang mag-move on ka na lang. Bata ka pa naman anak. Marami ka pang lalaki na makikilala. "
***
NAPAPAKAMOT na lang sina Gina at Mazeth sa kanilang ulo habang tila problemado na nakatingin sa akin habang ako naman ay busy sa pagpindot ng cellphone para kontakin si Cloud.

BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Romance" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...