Chapter Ten
HEAVEN
Bumaba ako sa plaza sakay ang scooter ko. Kung saan iyon ang lugar na magiging place ng date namin. Yeah... It is Feb 14. Valentine day. And siguro it's time to let go and start again. Una ko ng nakita ang kotse sa labas ng plaza.
Bahagya lang akong napangiti ng mapait. Nauna pa talaga si Stanley. Mukha talaga siyang excited 'no?
Humugot ako ng malalim na hininga. The moment na bubuksan ko ang gate na iyon. It means kailangan ko na talagang tanggapin ang lahat. Bahagya kong nakagat ang mga labi ko. Naiiyak na naman kasi ako. At sa totoo lang naiinis narin ako sa sarili ko.
Humakbang ako. Mabibigat ang mga hakbang na iyon. At parang gusto kong i-extend ang kalsada para marami pa akong lalakarin bago makapunta sa gate at buksan iyon. Sa isipan na iyon ay parang gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Nakatatlong hakbang pa lang ako ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko sa likuran ko. Napatigil ako ng marinig ang pamilyar na boses.
Lumingon ako sa likuran.
"Stanley? " wala sa loob na tawag ko sa pangalan niya. Kunot-noong tiningnan ko ang itsura niya. Nakapambahay lang siya. Samantalang ako pustorang-pustora.
Ngumiti lang siya at humakbang palapit sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito? I-I mean... Akala ko nasa loob ka na? " tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.
Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Unti-unti na ring nawala ang ngiti sa mga labi niya. At sinakop ng lungkot ang mga mata niya.
"Oh? Ba't ganyan ka makatingin? Ayos ka lang ba? "
Tumango siya saka naman ako napahinga ng maluwag.
"May itatanong lang ako sa'yo Heaven. Sana... Sagutin mo ng totoo, " Humugot siya ng malalim na hininga.
Bahagya na akong kinabahan sa pagiging seryoso niya. Parang may hint na rin ako sa sasabihin niya.
"A-ano 'yon? "
"Minahal mo ba ako noon Heaven? Minsan man lang ba... Naging mahalaga ako sa iyo? At... Maaari ko bang malaman kung sino ang tao na nasa likod ng mga luha mo? "
Sa lahat ng tanong niya ang panghuli lang ang rumehistro sa isipan ko. Ni hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang bagay na iyon. Noon, ini-expect ko na magtatanong siya tungkol sa pag-iyak ko hindi niya ginawa. Kaya akala ko hindi na niya itatanong sa akin ang bagay na iyon.
"Dahil ba iyon kay Cloud? "
Nahigit ko ang hininga ko. Lalo akong nabigla sa sinabi niya. Paano niya nalaman na si Cloud? Sinabi ba nina Gina?
"Bakit mo tinatanong sa akin 'yan? "
"Dahil... Gusto kong baguhin ang naging desisyon ko kahit... Ilang minuto na lang ang natitira. "
Lalong kumunot ang noo ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko saka lang ako muling napatingin ng deritso sa kanya.
"Heaven... Mahal mo parin ba si Cloud? "
Napatulala ako. Parang hindi makapag-isip ng maayos ang isipan ko sa sinabi niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nanunubig na ang mga mata ko.
"Mahal mo nga siya... " sabi niya ng makitang lumandas na ang luha mula sa mga mata ko.
"I-I'm sorry Stanley, " sabi ko saka mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata ko. " I'm sorry. Pero pinilit ko naman siyang kalimutan eh. Kaso... Hindi ko talaga magawa. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung ilan taon pa ang kailangan lumipas para makalimutan si Cloud. S-sana naiintindihan mo ako. "
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
רומנטיקה" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...